Chapter 20

41 2 1
                                    





Chapter 20




“Magsitigil kayo—Sanchez, get him out of here. Now—stop it, Mike—everybody, stop fighting! Where the hell is Creed? I said stop fighting!” sigaw ni Miss Meira habang pumapagitna sa nagkakagulong mga estudyante. Wala ni isa man ang nakinig sa kanya.

Nakamasid ako sa nangyayari. Istrikto si Miss Meira pagdating sa training, pero kapag ganitong nagra-riot ang mga estudyante ay hindi halos marinig ang boses niya. Hindi niya kayang awatin ang lahat nang sabay-sabay lalo pa at walang tumutulong sa kanya.

Hindi ko alam kung ano’ng nangyari at kung paano nagsimula ang gulo. Dumating ako sa gym na nagsusuntukan ang isang myembro ng Gods Gang at isang myembro ng Dark Empire Gang. Hindi nagtagal at nakisuntok na rin ang iba pa mula sa dalawang gang hanggang sa nagkagulo na nga sila sa loob ng gym.

Pawns ang lahat ng myembro ng Gods at Dark Empire na nasa P.E. class samantalang ang mga leaders naman nila na sina Jake Creus at Edward del Mundo ang mga rooks. Lahat sila ay pyesa ng Rapsodhee High, pero hindi pa rin nawawala ang alitan sa pagitan nila.

Ang totoo ay hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito. Maraming beses na. Sa palagay ko ay may inggitan pa rin kahit pa nasa iisang panig pa sila ng laro.

Wala sina Jake at Edward ganoon din ang SC, at maging si Creed. Ako lamang ang opisyal na narito at wala akong balak na makigulo sa kanila. Ayokong sayangin ang lakas ko sa walang kabuluhang bagay.

Bukas na ang laban namin sa Kingsville Academy. Dapat ay nasa kondisyon ang katawan ko hanggang sa matapos ang laban.

Isang lalaki ang humagis sa may paanan ko. Tinignan ko siya. May dugo sa kanyang labi at namumula na rin ang kaliwa niyang mata. Hindi niya ako pinansin. Mabilis siyang tumayo at sumugod sa kung sinong gusto niyang saktan.

Ang mga babaeng estudyante ay nakisali na rin sa gulo. Hindi nakakasorpresa. Myembro rin sila ng mga gang at kahit alam nilang maiipit lamang sila sa lakas ng mga lalaki ay wala silang pakialam.

Tila nanawa si Miss Meira sa pagsigaw at minabuti niyang daanin na lang sa dahas ang pag-aawat. Mataman kong pinanood ang kilos niya.

Nawasak ang damit ng isang lalaking hinablot niya palayo sa kalaban nito. Tumilapon din ito palayo at ilang ulit gumulong sa sahig. Pagkatapos ay sinuntok ni Miss Meira ang leeg ng isa pa at umuubo itong napaatras. Ganoon pa man ay hindi n’ya pa rin maawat ang lahat. Nag-iisa lamang siya.

Hanggang sa humagis sa kalagitnaan ng mga nag-aaway ang isang upuan. Apat sa kanila ang tinamaan.

“Don’t make me hurt all of you,”

Napalingon ako sa nagsalita. Si Sahara. Walang reaksyon ang mukha niya habang papalapit hila ang isa pang upuan. Naniningkit ang pula niyang mga mata at sa paningin ko’y nagmistula iyong mga mata ng demonyo.

Hindi ko pinansin ang halos sabay-sabay na pagtigil ng mga estudyante. Nakamata lang ako kay Sahara. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa natuklasan ko tungkol sa kanya. Hindi ko pa rin siya kayang harapin at kausapin. Hindi na rin naman siya nagtangkang lapitan ako. Minsan ay nakikita ko siyang nakamasid sa akin, pero hindi ko binigyang halaga iyon. Darating ang araw na maghaharap kami, pero hindi pa sa ngayon.

Tumigil sa paghakbang si Sahara at isa-isang tiningnan ang mga estudyante. Hindi ko alam kung ano’ng nakita ng lahat sa kanya at biglang nagpaawat ang mga ito, pero kahit sino naman siguro ay kikilabutan sa mga mata niyang nagbabanta ng gulo.

“They know who your mother was,” ani Jake na biglang sumulpot sa tabi ko. Nakakunot ang noong lumingon ako sa kanya. “Your mom was the Legendary Queen—well, the name just came out. Hindi naman talaga kailangan ng mga alyas sa larong ito, pero minsa’y ang mga pyesa mismo ang nagbibigay ng pangalan sa fighter na hinahangaan nila. Your mother was one of the most dominant pieces in her generation. I heard she’s undefeated and nobody tried to mess with her. She’s a legend.”

The Art of the Game (GHS 1) CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant