Chapter 8

50 4 2
                                    






CHAPTER 8





Madalas ay naiisip ko, ano nga ba ang silbi ng buhay? Bakit tayo narito? Bakit binigyan tayo ng pagkakataong mabuhay sa mundong puno ng kasalanan? Bakit binigyan tayo ng emosyon, ng pakiramdam? Bakit binigyan tayo ng kasiyahan kung babawiin lang ito sa marahas na paraan?

Mga tanong na hindi ko kayang bigyan ng kasagutan. Hanggang ngayon, pilit ko pa ring iniisip kung bakit nga ba?

Tadhana? Kalokohan. Hindi totoo ang tadhana. Gawa-gawa lamang ito at kaisipan ng isang tao. Mga taong ayaw tanggapin ang sinapit ng kanilang buhay.

Sa mundong ito ay dalawang damdamin lamang ang palaging nagtatalo: ang pagmamahal at ang galit. Makapangyarihang mga damdamin na nagtutulak sa isang indibidwal na gumawa ng mga bagay na hindi dapat at hindi tama. Mga damdamin na gasinulid lamang ang distansya sa isa’t-isa. Ang sobrang pagmamahal ay nauuwi sa matinding galit. Lalamunin nito lahat hanggang sa ang puso’y balutin ng pagkasuklam at paghihiganti.

Marahas akong napaungol nang sumalakay ang sakit sa iba’t ibang parte ng katawan ko nang tangkain kong bumangon. Hindi ako makakilos at nanlalabo rin ang aking paningin. Sigurado ako na kahit hindi ako humarap sa salamin ay nangingitim ang buong mukha ko dahil sa pasa. Namamaga rin marahil ang aking mga mata at nangangapal ang aking labi. Ito na yata ang pinakamasaklap na naging wakas ng isang laban para sa akin.

Ngayon lamang ako nabugbog nang ganito. Kadalasan naman kasi, sa mga street fights na nilalahukan ko, hindi tumatagal nang kinse minuto ang isang round. May natatalo na kaagad. Ang laban namin ni Tommy Salvador ay tumagal nang halos kalahating oras kasama ang ilang minuto naming pagpapahinga sa loob ng ring.

Sa huli ay ako ang naiwan sa loob ng hawla. Si Tommy na tuluyang nawalan ng malay ay binitbit palabas ng mga lalaking may baril kasama ang lahat ng estudyante ng Mary Kane College. Hindi ko alam kung ano ang nangyari o mangyayari sa kanila, pero dapat akong magsaya na hindi ako ang natalo. Dapat unawain na sa isang laro, isa lang ang dapat tanghaling panalo. Isa lang ang dapat matirang nakatayo.
Sa laban namin, ako ang nanalo.

Dahil ako si Temple Strawford.

“Oh… thanks God, you’re awake.”

Marahang lumingon ang aking ulo nang marinig ko ang boses na iyon. Pakiramdam ko ay nabali ang aking leeg dahil sa ginawa ko. Walang neck support na nakasuot sa leeg ko, at sa totoo lang, kailangan ko iyon.

Isang lalaking nakasuot ng puting lab-gown ang nakita kong papalapit sa akin. Kilala ko siya―si Dr. Chris Levesque―ang school doctor ng Rapsodhee High. Marahil ay hindi nalalayo ang edad niya kay Miss Meira at sa suot niyang eyeglasses at puting lab gown, nagmukha siyang disente. Isang bagay na alam kong hindi totoo. Sadyang mapanlinlang ang pisikal na hitsura.

Kasunod niyang pumasok sa kwarto si Creed na pormal ang mukha. Nakamasid siya sa akin habang lumalapit. Gusto kong ngumiti. Naalala kong inilampaso niya ako sa gym bago ako dalhin sa Underground. Ngayon ay gusto kong sabihing naipanalo ko ang laban, pero naisip ko, masyadong childish ‘yon.

“Bukod sa mga pasa sa buong katawan ay may mga internal injuries ka. But don’t worry, those won’t kill you,” nakangiting sabi ni Dr. Levesque. “I will take a good care of you. By the way, congratulations for winning the fight. That’s an awesome fight.”

“Nasaan ako?” ang tanong na nanulas sa labi ko.

“Infirmary Building,” nakangiti niyang sagot.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba nagtanong pa ako? Ang Infirmary Building ay isang maliit na building na nakabukod sa main building ng Rapsodhee High. Ngayon lang ako nakapasok dito kaya hindi ko akalain na parang espesyal ng kwarto sa hospital ang loob nito. Baka nga kumpleto rin ang mga gamit dito. Syempre ay hindi naman nila dadalhin sa isang ospital ang mga injured na pyesa kung sakali dahil siguradong maiimbestigahan sila.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now