Here goes Naami's story...

21 3 0
                                    





CHAPTER 1




Tokyo, Japan.

"Stop running!"

I halted. I was not running even though I was already late for my first class. But I halted, scared that the teacher might punish me for violating a rule.

"Get the hell out of my way," someone growled behind me.

That was the moment na napagtanto kong hindi pala ako ang sinasaway ng teacher. Humakbang ako sa gilid at nilingon ang mga estudyanteng tumatakbo sa hallway. Hindi sila nagpalit ng school indoor shoes kaya lumilikha ng malakas na yabag ang mga sapatos nila at nakakaabala iyon sa mga nagkaklase sa classroom.

Mahigpit na ipinagbabawal sa Fujiwara International Senior High School ang pagtakbo sa hallway. Isa iyon sa mga nakasaad sa Rules and Regulations na dapat sundin, pero madalas ay hindi sinusunod especially those students from Class 3-D. For them, they were the boss here. The dudes were not even scared of the teachers.

"I said stop running! What class are you in?" muling sabi ng guro, pero lumampas lang sa kaniya ang apat na estudyante. Gigil siyang nagsalita sa wikang Nihongo na hindi ko naintidihan.

Of course, the students were from Class 3-D. I just said they were the boss, right? I knew them because they were the mortal enemies of our class, Class 3-C.

One of them pushed me aside as if I was blocking their way, which was not true because I was already leaning on the wall even before they got near me. Damn that asshole. I could beat him if I want to. But no. It would be just a waste of my time.

Nang tuluyan silang makalampas sa akin ay humakbang na rin ako patungo sa sarili kong klase. Nasa ikalawang palapag ng main building iyon, sa huling kuwarto, naroon ang classroom ng Class 3-C.

Marahan kong binuksan ang pinto nang makarating ako roon, at kagaya ng araw-araw kong nakikita, tumambad sa akin ang eksena sa loob.

May teacher na sa unahan at abala sa pagsusulat sa blackboard sa unahan habang ang mga kaklase ko naman ay may kani-kanilang kalokohang ginagawa: may natutulog sa bawat sulok, may nagbubunong-braso sa harapan, may gumagawa ng eroplanong papel para paliparin sa kung saan, may abala sa pagmi-makeup.

Everyone was busy doing their thing. It was a perfect moment for me to sneak in without getting attention. No one would know I was late.

But nothing seemed to go as planned.

"Naami, ohayo!"

Napalingon ako sa direksyon ni Francis nang malakas siyang sumigaw at napangiwi ako nang lumingon sa akin ang lahat kabilang ang teacher. Francis Takida, the loudest mouth in the class, just made me the center of attention. He really didn't know how to read a situation.

"Miss Stones, you're late... again,"

Lumipad ang tingin ko sa teacher na nasa unahan. "I'm sorry, sir."

"It's your second late this week. I will mark you absent the next time, okay?" walang ngiti niyang sabi habang iwinawagayway sa harapan ko ang hawak niyang chalk.

"Yes, sir,"

"Take your seat now,"

Walang salitang pumasok ako at naupo sa pwesto kong nasa unahan ng buong klase. Pinagmasdan ko ang teacher nang muli siyang magsulat sa blackboard.

Watanabe Hiro ang kaniyang pangalan, Watanabe ang apelyido at Hiro ang pangalan. Ganito rito sa Japan: nauunang banggitin ang apelyido bago ang pangalan. Watanabe-sensei ang tawag sa kaniya ng lahat, pero dahil nabubulol ako sa mga pangalan ng Japanese, Sir Eyeglass ang tawag ko sa kaniya dahil sa rin sa suot niyang eyeglasses na may makapal na lenses.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now