Chapter 16

40 5 1
                                    





Chapter 16




Muli ay sumalang kami sa puspusang training. Dalawa na ang aming trainers, sina Sahara at Miss Meira. Kapwa sila mahigpit at hindi alintana kung may seryosong nasasaktan sa amin. Ayon sa kanila, si Dr. Levesque ay nakahanda ano mang oras na kailanganin ang medikasyon.

Gusto ko kung paano nila i-handle ang mga estudyante, pero ipinagtaka ko kung bakit kailangan pang lahat ay dumanas ng training na ganito. Mga opisyal lang ang pinahihintulutang lumaban sa hawla at ang mga pawns ay naghihintay lang ng resulta. Hindi ba’t kami lamang ang dapat na nagsasanay?

Noong nagdaang araw ay isinugo nga sina Fashia at Heina sa Kingsville Academy para iakyat ang hamon. Kasama nila ang tatlo pang pawns na pinili ng Player. Hindi ko alam kung bakit dalawang araw silang nanatili roon, pero umuwi silang may sugat. Si Fashia ay may pasa sa pisngi at nangingitim naman ang mga braso ni Heina. Sabi ng mga kasama nila ay pinagkatuwaan sila ng mga pawns ng Kingsville.

“Bakit hindi kayo lumaban?” naitanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit nakaramdam ako ng panggigigil nang makita ko ang hitsura nila.

“Sa totoong laro ng chess ay mahina ang mga pawns. Ganoon din sa larong ito, Temple. Pwede kaming lumaban kung gusto namin, pero walang kasiguruhan ang kaligtasan kung walang opisyal na nasa likuran namin,” sagot ni Heina.

Hindi na ako nagsalita at nilunok ang pangigigil. Tama siya, lima lang silang naroon sa teritoryong hindi kanila. Kung lumaban sila, hindi lamang ganito ang maaaring nangyari sa kanila.

Mas naging intense ang pagtitraining namin. Dalawa hanggang tatlong oras kaming tumatakbo sa soccer field na ipinagtaka na rin ng ibang estudyanteng walang alam sa larong nangyayari. Minsan ay nakikisabay sila sa akala nila ay jogging lamang, tumatawa, at naghaharutan. Wala silang ideya sa nalalapit na kapahamakan.

Isa si Creed sa mga pinagkakatiwalaan nina Miss Meira at Sahara bukod sa akin. Kung minsa’y tumatayo siyang trainer. Kung ano’ng higpit ng dalawang babaeng teacher, siya rin ang higpit ni Creed. Istrikto ito, walang binigyan ng espesyal na atensyon. Kahit si Draven na alam kong pinakamalapit sa kaniya ay hindi rin niya pinalampas. Ilang beses niya itong naparusahan dahil sa pagtulog sa gitna ng training. Kapag nagrereklamo ito, dinadagdagan niya ang parusa. Sina Jake at Edward naman ay walang pakialam sa paligid at madalas ay tila may sariling mundo.

Sa paglipas ng mga araw, mas lalo kong napatunayan na iba siya sa mga lalaking nakasalamuha ko. Ni hindi siya naapektuhan ng mga seksing babaeng lumalapit sa kaniya. Minsa’y napapahiya ang mga ito dahil sa cold response niya at sa tuwing nangyayari iyon, lihim akong tumatawa. Minsan ay nag-sparring sila nina Ken at Brandon sa harapan naming lahat. Kapwa bumagsak ang dalawa pagkatapos lang ng ilang minuto.

“Hello,” boses ni Naami ang narinig ko sa aking gilid habang abala ako sa pagtatali ng sintas ng aking sapatos. Bahagya ko lang siyang nilingon bago bumalik sa aking ginagawa.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko.

“Sparring tayo,” sagot niya.

Muli akong napalingon sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay nakakunot na ang aking noo. Kasama ba siya sa mga estudyanteng may P.E. subject? Hindi ako aware dahil paminsan-minsan lang naman siyang pumupunta sa gym. Hindi rin siya tumutuloy sa special dorm.

“Are you serious? Do you even know how to fight?” naniniguro kong tanong.

Ngumuso siya. “You should not underestimate me, you know,” seryoso niyang sabi na magkakrus ang mga braso. “I’d love to kick your ass… literally.”

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now