Chapter 7

42 3 2
                                    






CHAPTER 7





Sa huling sandali ay nilingon ko si Miss Meira. Nagbabaka-sakali akong isa lamang itong biro; na hindi totoong ako ang queen na kailangang lumaban sa loob ng hawlang Ito, na parusa lamang ito dahil hindi ako nakikinig sa kanya sa P.E. class.

Pero hindi ito biro...

Sa seryosong mukha at blangkong mga mata ni Miss Meira na nakatitig sa akin, nasiguro kong seryosong bagay ito... may dalang peligro sa aking buhay kung magpapabaya ako.

Bahagya kong ipinilig ang aking ulo at hinarap ang aking kalaban—Tommy Salvador, kung tama ang pagkaka-alala ko sa pangalan niya. Sa kaniyang mukha, mahuhulaan na hindi siya isang teenager na kagaya ko. Siguro ay nalipasan na ng taon sa pag-aaral. O marahil ay hindi siya makatakas sa larong ito.

“Ngayon lamang kita nakita,” aniya sa malagom na tinig. “Napakatagal nang panahon na walang reyna ang pyesa ng Rapsodhee High.”

Hindi ako nagsalita bagama’t tumatak sa isip ko ang sinabi niya. Matagal na walang queen ang Rapsodhee High? Pinigilan ko ang sarili kong magtanong. Saka ko na lang aalamin ang tungkol sa bagay na iyon. Sa ngayon ay kailangan kong maging alerto.

Hindi naitago ng kaniyang mukha ang nang-uuri niyang tingin sa akin. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo. Tila sinusukat ang kakayahan ko bilang isang babae.

Umangat ang kilay ko. Inasahan ko nang mamaliitin niya ako. Kung sabagay, lagi naman talagang minamaliit ang isang babae, hindi ba? Ang gender equality ay hindi naangkop sa mga sitwasyon at pagkakataon na kagaya nito. Para sa kanila, ang babae ay babae. Inisip n’ya siguro na mabilis n’ya akong magagapi.

Pinag-aralan ko ang mga maaari niyang gawin. Bago ako sa ganitong klase ng sitwasyon. Hindi ko alam kung ano’ng mga gimik ng laro kaya kailangan kong maging alerto at maingat.

Pasimple kong nilingon ang direksyon kung saan ay nakaupo si White Smoke. Hindi siya pamilyar sa akin. O marahil ay hindi ko siya kalebel sa underground society. Marahil ay bigating sindikato sila. O siguro, isa siya sa mga boss na hindi namin pwedeng makita.

Sa kaniya ako nakalingon nang maramdaman kong nagdilim ang paningin kasabay ang pamamanhid ng kanan kong pisngi.

Umawang ang aking labi nang makita ko si Tommy Salvador na nasa harapan ko. Nakataas pa ang kaniyang kamay. Kumuyom ang kamao ko. Nakapuntos kaagad siya laban sa akin.

"I'm here," aniya pa na may bahagyang ngisi sa labi. "We better start this. May kailangan pa kasi akong gawin—"

Umatake ako. Nakakuyom ang kamaong humakbang ako at tuluyang lumapit sa kanya sa mabilis na paraan. Nagawa ko siyang mapaatras sa pamamagitan ng isang solidong suntok na hindi n’ya naman iniwasan. Hindi siya bumagsak. Alam ko, hindi siya kayang patumbahin ng isang suntok lang. Lalo pa at 'di hamak na mas malaki siya sa akin.

Hindi ito ang unang beses na nakipaglaban ako sa isang lalaki. Bukod sa pagtutulak ng ilegal na droga, pagnanakaw, at minsanang pagdukot sa mga bata para sa isang kidnap for ransom na raket at iba pa, ay isa rin akong street fighter bago ako dumating sa Rapsodhee High. Iyon ang naging sandalan ko para lumakas nang sa ganoon, sa oras na makaharap ko ang lalaking hinahanap ko ay makakaya kong makipaglaban sa kanya nang walang hawak na armas.

Ang mano-manong laban ay hindi bago sa akin. Hindi man propesyunal na manlalaban, alam ko sa aking sarili ang kakayahan at ganoon din ang limitasyon ko.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now