Chapter 18

37 2 1
                                    




Chapter 18


Dilim ang sumalubong sa aking paningin nang imulat ko ang aking mga mata. Walang munting liwanag man lang sa paligid. Kahit ang sarili ko ay hindi ko makita. Ilang ulit akong pumikit at muling dumilat para pawiin ang dilim na iyon, pero walang nangyari.

Nagtataka akong bumangon.

Nasaan ako?

Nagpasya akong maglakad kahit hindi ko alam kung pasaan ang direksyong tinatahak ko. Tila ako nakakulong sa isang silid at may tubig sa nilalakaran ko. Narinig ko ang tunog na nililikha ng bawat paghakbang. Nagbigay iyon ng hindi kaaya-ayang pakiramdam sa akin.

Sa patuloy na paghakbang ay nakakita ako ng liwanag, maliit na liwanag. Wala akong ideya kung saan nagmula pero. Nagdesisyon na lang akong sundan ‘yon. Baka sakaling makalabas ako sa madilim na lugar na ito.

Ilang saglit pa ang lumipas at nagkahugis ang liwanag. Nagmumula iyon sa ilaw sa loob ng isang kuwartong pamilyar sa akin. Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa loob ng kuwartong iyon.

Silid ko ito noong bata pa ako. Hindi ako maaaring magkamali. Oo nga at palipat-lipat kami ng bahay noon, pero naaalala ko pa rin ang kuwartong ito.

“Stop it, Sahara!”

Lumipad ang tingin ko sa labas ng pinto nang marinig ko ang malakas na boses na iyon. Nakaramdam ako ng pagtataka at nadagdagan pa nang may isang batang babaeng lumagos sa katawan ko at tumakbo palabas ng kuwarto.

Teka… ki-kilala ko ang batang iyon.

Kunot-noo ko siyang sinundan sa labas. Huminto siya sa tapat ng isa pang kuwarto sa loob ng bahay. Nakatalikod siya, pero kilala ko siya. Kilalang kilala. Sinubukan ko siyang hawakan nang makalapit ako, pero kagaya kanina ay naglagos lang ang kamay ko sa katawan niya.

“You stop, Tiarah! This time, listen to me!”

Napalingon ako sa nakasaradong pinto. Tinig nina Sahara at Tiarah ang narinig ko. Nag-aaway sila at pinapakinggan ko—ako at ang batang ako. Oo, tama. Ang batang ito na nasa harapan ko na hindi ko mahawakan ay walang iba kung hindi ako noong limang taong gulang pa lamang ako.

Panaginip ba ito? Halusinasyon? Bakit nakikita ko ang nakaraan?

“Hindi ka ba naaawa kay Temple?"

“I don’t have a choice, we have no choice at all. Kailangan natin itong gawin to protect her,”

“To protect her? Alam mong ikaw ang higit na makagagawa ng bagay na ‘yan. Paano kung—”

“Makinig ka! Ito na lang ang paraan na maaari kong gawin. Pagkatapos nito, pangako, sisiguruhin kong magkakaroon na nang maayos na buhay si Temple,”

“I do understand, but—”

“Don’t worry about me. I’ll be fine at babalik ako nang ligtas,”

Tahimik ko lamang na pinakinggan ang pag-uusap nina Sahara at Tiarah. Alam ko ang eksenang ito, hindi ko nakakalimutan. Ito ang panahon na unti-unti nang namulat ang musmos kong kaisipan sa wirdong buhay na mayroon kami.

Si Tiarah ang lagi kong kasama noon at nagsilbing aking ina simula pa lang nang magkaisip ako. Siya ang gumabay sa akin, samantalang si Sahara na siya kong tunay na ina ay bihira ko lamang makita. Kung umuwi man siya, malamig ang pakikitungo niya sa akin at nagmamadali laging umalis. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko tinatawag na mommy o mama si Sahara at tita o auntie si Tiarah. Lumaki ako na ang nasa isipa’y kapatid ko lang silang dalawa. Hindi rin nila ipinaliwanag sa akin kung bakit ganoon ang aming buhay.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now