Chapter 26

17 2 1
                                    




CHAPTER 26



“They're too many!” mariing bulong ni Aellon matapos makita ang sumusugod na mga kalaban. Nasa ikatlong palapag kami ng bahay na hindi ko pa rin alam kung kaninong pag-aari—wala na akong panahong magtanong.

Sumilip ako mula sa railings ng hagdan at nakita ko ang mga lalaking sunud-sunod na pumapasok. Nakasuot sila ng itim na mga damit. Tama nga si Aellon, masyado silang marami at armado ng de-kalibreng mga rifle. Walang laban ang kwarenta y singkong hawak niya at ang nag-iisang rifle ni Creed.

“Sahara, it’s time to go,” aniya habang inaalam kung ilan ang bala ng magazine ng kaniyang baril. “Leave and save our daughter.”

“We will all leave together,” matigas na sagot ni Sahara.

“It’s impossible—”

“It’s possible! Aellon, we escaped from death many times before. We can do it again,”

“All right. Let’s move,”

Binalewala ko ang pag-uusap nila. Muli akong sumilip. Walang ibang daan pababa sa unang palapag kundi ang hagdan, pero hindi namin pwedeng gamitin dahil open area ito. Sasaluhin namin lahat ng bala ng kalaban kapag nagkataon.

“Dito,” sabi ni Aellon.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila patungo sa kaliwang pasilyo. Bahagya akong napangiwi nang maramdaman ko ang sakit dahil sa mariin niyang pagkakahawak sa braso kong puno ng pasa, pero walang oras para magreklamo. Narinig ko ang komosyon na nilikha ng mga lalaking umaakyat para patayin kami.

Nilingon ko sina Sahara at Creed. Nasa likuran namin sila. Mahigpit ang hawak ni Creed sa kaniyang rifle.

Nang makarating sa dulo ng pasilyo ay bumungad sa akin ang isang maliit na elevator. Mabilis na pinindot ni Aellon ang isang buton. Eksaktong bumukas ang pinto nang marinig ko ang sunud-sunod na putok ng baril. Nakarating na sa ikatlong palapag ang mga assassins.

‘Tang-ina!

Itinulak ako ni Aellon papasok sa maliit na elevator. Ganoon din ang ginawa niya kay Sahara saka nila hinarap ang mga lalaki, sila ni Creed. Gumanti sila ng putok sa mga kalaban at walang nagawa ang mga ito kundi magkubli. Sinamantala iyon nina Aellon at Creed. Mabilis silang pumasok sa elevator.

Sumara ang pinto.

“Creed!” Nanghilakbot ako nang makita ang dugong tumutulo mula sa balikat niya. “May sugat ka.” Nanginig ang tinig ko. Oo at sanay na akong makakita ng dugo, pero si Creed ito. Si Creed!

“Ayos lang ako,” aniyang ngumiti.

Muling tumutok sa unahan ang baril nila ni Aellon nang bumukas ang pinto ng elevator. Nakarating na kami sa unang palapag at ang mga assassins naman ay bumababa mula sa taas. May mga kalaban din na naghihintay sa amin, pero hindi nila magawang lumantad lalo pa at nagsimula nang magpaputok ng baril sina Creed at Aellon. Hindi unlimited ang bala nila kaya siniguro nilang bawat putok ay may tatamaan.

Pinanood ko ang pagbagsak ng mga lalaki. Isang rifle ang mabilis na dinampot ni Sahara at ginamit para tulungan sina Aellon at Creed. Pinaggitnaan nila ako. Nakatalikod sila sa akin; nakaharap sa mga kalaban. Habang nagpapaputok ng baril ay humahakbang sila paikot para bigyan ng pagkakataon ang isang magpalit ng magazine.

Nakakabingi ang mga putok sa paligid, pero hindi ko magawang takpan ang tenga ko. Hindi ko magawang ipikit ang aking nga mata. Sa pagkakataong iyo’y kailangan kong maging alerto.

Kahit saan ako tumingin, nakikita ko ang mga nawawasak na mga pader na tinatamaan ng bala. Nabasag ang mga pigurin, mga naglalakihang litrato sa paligid, ang hagdan, at ang pinto. Higit sa lahat, ang mga assassins na napapaatras dahil sa impact ng balang tumama sa katawan nila.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat