Chapter 9

51 4 5
                                    






CHAPTER 9




Human chess game, isang larong kung saan ang mga tao ay nagbibihis ayon sa angkop na bihis ng isang pyesa sa larong chess. Ginagawa nila ito bilang pagbibigay-buhay sa Renaissance fair. Kadalasa’y tumatayo lang sila sa higanteng chess board na nakapwesto sa public park. May mga players sa magkabilang panig na magdi-dikta sa kanila kung paano sila kikilos. Kung ang human piece ay nakain ng kalaban, simple lamang siyang aalis sa board. May mga pagkakataong para mas maging entertaining ang palabas, ang mga gumaganap na human pieces ay skilled martial artists o minsan ay mga actors or actresses. Sa gitna ng higanteng chess board ay maglalaban sila ayon sa choreographed stage combat practice para hindi magkasakitan.

Ginagawa ang palabas na ganoon para bigyan ng kasiyahan ang mga manonood sa public places tuwing ginaganap ang Renaissance fair. Scripted ang lahat, may sinusunod na rules ayon sa kagustuhan ng committee ng palabas. Pinakamataas na ang isang oras na palabas. Sa ganoon ay walang totoong nasasaktan, walang nasusugatan, at pawang kasiyahan lamang.

Kabaligtaran sa nagaganap na laro sa Rapsodhee High. Oo nga at ito’y isa ring human chess game—kasiyahan para sa sindikatong nasa likod nito.

Pero para sa aming mga pyesa, ito ay laro ng buhay at kamatayan. Sa Rapsodhee High ay itinuturing na pyesa ang mga estudyanteng nasa special dorm. Kami na nasa Grade 11 at 12 ang kasalukuyang opisyal at ang mga juniors naman ang nagsisilbing trainees. Sila ang papalit sa amin sa oras na matapos namin ang laro. Ang iba pang estudyante na hindi nakatira sa special dorm ay walang alam sa larong nagaganap. O marahil ay alam nila, pero walang naglalakas loob na magsalita.

Sa kasalukuyan, si Creed ang nag-iisang knight ng Rapsodhee High.

“Sapat na ang isang knight sa atin. Hindi naman kailangang dalawa talaga. Creed is strong and dominant. He is undefeated,” sabi ni Fashia nang pabulong akong mag-usisa kung bakit nag-iisa ang knight na dapat sana ay dalawa. Aniya pa, si Creed ay katumbas ng isang queen. Siya ang animo’y namumuno sa pyesa ng school. Si Creed din ang nagsisilbing trainer sa tuwing si Miss Meira ay abala sa ibang bagay.

Lihim akong tumango. Sa totoong laro ng chess ay ang queen ang itinuturing na pinaka-malakas na pyesa. Pero sa larong ito, ang queen ay pangalan lang. Nakahihigit pa rin ang pisikal na lakas ng isang fighter.

Sina Jake Creus at Eduard del Mundo ang itinuturing na rooks. Kagaya ng sinabi ni Naami, leaders sila ng mga gangs dito: ang Gods Gang na pinamumunuan ni Jake at Dark Empire Gang na nasa ilalim naman ni Eduard.

Hindi pa rin ako kumbinsido na matatawag na gang ang grupo ng mga high schoolers, pero dahil hawak ng sindikato ang larong ito, kailangan kong sumang-ayon. Karamihan sa myembro ng gangs nila ang siyang pawns. Ayon kay Heina, mula sa magkabilang gang ay tatlo ang under training para maging sunod na lider. Parehong Grade 12 sina Jake at Eduard at kapag umalis na sila ay kailangan nga naman ng papalit sa kanila.

Sina Brandon Garcia at Ken Zhang na miyembro ng Student Council ang siya namang bishops. Si Draven ay trainee pa lamang. Oras na makapagtapos ang Grade 12 si Brandon, si Draven ang papalit sa kaniya at  magiging kapartner ni Ken sa pagiging bishop. Pero hindi pa man ay itinuturing nang bishop si Draven dahil anila ay akma ito sa posisyon.

Ang natitirang mga estudyanteng may P.E. subject ang siyang pawns. Kabilang sina Heina at Fashia. Kagaya sa totoong laro ng chess, sila ang unang umaatake. Atakeng hindi lumilikha ng panganib sa kalabang school. Sa larong ito ay isinusugo sila sa eskwelahang nais hamunin sa Underground fight.

Nauunawaan ko kung bakit may MKC students na tumungo sa Rapsodhee High bago maganap ang laban sa Underground. Nag-akyat sila ng hamon at sa kasamaang palad ay natalo sila. Walang nakakaalam kung ano ang mga sumunod na nangyari maliban sa pagsu-suicide ni Tommy.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora