Chapter 25

20 2 1
                                    




Chapter 25



Napakapayapa ng kalangitan. Mula sa bintana ay pinanood ko ang mga bituin at ang buwan. Kung sana lang ay ganito kapayapa ang puso ng bawat isang nilalang na nabubuhay sa mundong ito…

Napabuntong-hininga ako. Kumpara sa ibang mga kabataang kaedad ko, ang buhay ko ay isang malaking kwento. Maraming mali at hindi makatarungang desisyon at hindi na iyon mababawi pa.

“Temple…”

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Aellon. Papalapit siya sa akin mula sa bukas na pinto. Wala sa loob na hinintay ko ang kaniyang paglapit.

Aniya, isang oras o dalawa’y kikilos na kami ni Sahara patungo sa airport. Kailangan pa naming maghintay ng tamang oras. Alam kong iniiwasan niya na makatunog ang Underground Council sa gagawin naming pagtakas.

Inaamin kong may takot akong nararamdaman. Silang dalawa ni Sahara, inilagay nila sa peligro ang kanilang mga buhay para sa akin. At natatakot akong hindi namin ito malampasan.

“You scared?” tanong niya nang makalapit. Naupo siya sa tabi ko at saka nagsindi ng sigarilyo.

Wala sa loob na kumuha ako ng isang stick sa hawak niyang kaha ay sinindihan iyon. Halos sabay naming ibinuga ang usok mula sa aming bibig.

“May mga pagkakataon na proud akong lumaki kang ganiyan, matapang at malakas ang loob. Pero madalas, naiisip kong sana ay hindi ka na lang sumunod sa landas na tinahak namin ni Sahara,” aniya.

“This is a cruel world,” naibulong ko.

“What you are carrying in your heart is the world you will see,” sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. “What do you mean?”

Nilingon n’ya ako. “The things you are carrying in your heart, it reflec in the world you are living. Your hatred and the vengeance turned your world darker than it supposed to be.”

Hindi ako nakapagsalita. Tila patalim na tumarak sa dibdib ko ang mga sinabi niya. Naapektuhan ako. Tama siya. Ang galit at paghihiganting ipinunla ko sa puso ko ang nagdala sa akin sa magulo at madilim na buhay na ito.

“You were just like Sahara when she was at your age,” sabi niya pa. “Your mother hated the world, too. Look what it got her into. She couldn’t fight it at all or escape from it.”

“How did you meet her?” bigla akong nagkainteres na alamin ang nakaraan nila.

“I met her when she was just sixteen,” napangiti niyang sagot. “She was too rebellious, brutal, and cold. When I first saw her, I already knew that she’d put me into trouble.”

“You said you created the game. So it means it was you who put her in trouble,”

Tumawa siya. “I created the game, yes, but in other way. Katuwaan lamang para sa mga gang-wannabes. Nang dumating si Sahara, nagbago ang lahat. Siya ang nagsimula ng pustahan sa laro. Dahil sa kaniya, nabuo ang plano sa utak ni White Smoke. Binago niya ang lahat gamit ang kaniyang pera at kapangyarihan sa underground business.”

“What?”

Tumawa siya nang makita ang gulat sa mukha ko. “Iyon ang totoo, Temple. Si Sahara ang dahilan kung kaya nabuo ang Underground Council. Dahil sa kaniya kaya nagkaroon ng mga pyesa ang bawat eskwelahan. I tried to stop her, but she did not listen. That time, Sahara was still enjoying every fight. She was the strongest piece in the history of this game, undefeated. The Council named her Legendary Queen. She hated the world, at inilalabas niya ang galit na iyon sa bawat laban niya sa Underground.”

The Art of the Game (GHS 1) Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن