Chapter 28

19 3 5
                                    







CHAPTER 28




Makalipas ang ilang oras pagkatapos umalis ni White Smoke ay wala pa ring makapagsalita sa amin ni Dune. Tahimik akong nakaupo sa sofa, nakatulala sa kawalan. Si Dune naman ay ilang ulit lumabas ng bahay, ilang ulit pumasok, ilang ulit lumapit sa akin, pero nanatili siyang tahimik. Hinayaan niya akong makapag-isip.

Pinag-aralan kong mabuti ang sitwasyon namin. Pinag-isipan ko kung ano ang maaaring gawin para salungatin ito. Pero wala… walang paraan para matakasan ko ito.

Kumudlit sa isipan ko ang mukha nina Fashia, Heina, at higit sa lahat, si Naami. Kung hindi ko gagawin ang gusto ni White Smoke, lahat sila ay mawawala sa akin at hindi ko na kakayanin pa kung lahat sila ay mapapahamak nang dahil lang sa akin. Pagkatapos nina Sahara, Aellon at Creed, ayoko nang may sumunod pa. Kailangan kong kumilos.

“Temple,” sa wakas ay nagawang mag-salita ni Dune. Naupo siya sa aking harapan at iniabot sa akin ang sigarilyo. Tinanggap ko iyon. “You have no choice left, aren’t you? You don’t want to kill him?” tanong niya.

Tiningnan ko siya. “What’s the point of killing him at all?” mapakla kong sabi. “I met Scarface… face to face. Nasa akin na ang lahat ng pagkakataon para maipaghiganti si Tiarah. I could kill him, but I did not do it. Wala namang mababago, ‘di ba?”

“Sa wakas ay nagising ka na,” nakangiti niyang sabi. “Finally, you learned that revenge won’t end anything.”

Napatungo ako. “Kung sana ay noon ko pa iyan napagtanto, hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat,” napabuntong-hiningang sagot ko. “This is all my fault.”

“There’s no point of blaming yourself at all.” Iniabot niya sa akin ang lighter. “Nagkamali ka, that’s it. What important is you’re learning from it. You know sometimes, you have to make a huge mistake to figure out how to make things right. That’s how we live this life. We don’t stop learning because we don’t stop making mistakes.”

Sang-ayon ako sa sinabi niya. Kailangan ko nang ihinto ay paninisi sa aking sarili. Ang kailangan kong gawin ay gawin ang nararapat at harapin ang dapat harapin.

“P-pero… kaya ko bang kalabanin si Klein nang mga-isa?” nag-aatubili kong tanong.

“Of course, you can.”

“How?”

Wala akong ideya kung paano ko makakayang lumaban gayong ang haharapin ko ay lalaking hindi lang lima ang hawak na assassins. Maraming tauhan si Klein Demith at wala akong kakampi maliban kay Dune. Hindi kami sapat para harapin ang kalaban.

“Don’t worry about it. You’ll never be alone.” Tumayo si Dune at hinawakan ang braso ko saka hinila patayo. “Maghanda ka. Ipakikilala kita sa grupo.”

“Grupo? Ano’ng grupo?”

“You’ll see,”





Humantong kami sa isang building pagkatapos ng ilan pang oras. Sa ikalabinlimang palapag, pumasok kami sa silid. Maayos ang kabuuan nito. Puti lahat ang nakita ko mula sofa, table, at maging ang mga paintings. Mukhang disente ang pinuntahan namin at wala akong ideya kung ano ang gagawin namin o kung sino ang aming haharapin.

May mga kalalakihang naghihintay nang pumasok kami sa silid, anim ang eksaktong bilang. Lahat sila ay nakaputing tuxedo na may pulang tela na nakatali sa kaliwang sleeve.

Kumunot ang noo ko nang makita kong kumilos sila para i-welcome ako na parang boss nila. Isa ang nag-alis ng suot kong jacket, at isa ang umalalay sa akin patungo sa isang single sofa. Dahil naguguluhan ako sa sitwasyon ay hinayaan ko na lamang sila.

Nagtatakang nilingon ko si Dune nang makaupo ako. Ngiti lamang ang isinukli niya sa akin. Tila sinasabing maayos ang lahat at walang dapat ipag-alala.

Hindi nagtagal at napaunat ako sa pagkakaupo nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad kay White Smoke. Nakasuot din siya ng puting tuxedo at may taling pula sa kanang sleeve. Maging ang sapatos niyang suot ay puti rin. Maayos na nakasuklay ang buhok niyang ang haba ay umabot hanggang balikat. Wala siyang alahas sa katawan maliban sa nag-iisang gintong singsing sa kaniyang hintuturo, walang hikaw, kwintas at iba pa.

“Good evening. Sorry, I’m late,” aniya. Dumiretso siya sa harapan ko at naupo nang walang paalam saka ako pinagmasdan. “You must be Aellon’s first daughter. Oh, no doubt. Your eyes say it all.”

“Maaari bang malaman kung sino ka?” nagtataka kong tanong. Nahiwagaan ako sa mga nangyayari. Walang ideyang pumasok sa isipan ko. “Pwede bang pakipaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari ngayon?”

“Oh, sorry I did not introduce myself. You can call me Golden Hair,” Ngumiti siya at napamaang ako. Hindi naman ginto ang kulay ng buhok niya. “That’s how your father calls me and you are free to use the same name. Just stop staring at my hair. It’s gold for me.”

Pinagmasdan ko ang paligid. Nakamata sa akin ang lahat. “Kabilang ka rin ba—kayo sa larong ito?”

Nakangiti siyang nagsindi ng sigarilyo. “Life can’t be manipulated as easily as chess the game.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “It means, you can’t rely on that stupid game at all. You’re not a queen, you’re just a pawn. Siguro naman ay alam mo na iyon.” Nagbuga siya ng usok. “You should stop playing now. Aellon is no longer here.”

May bahagi sa puso ko na tila sinaksak ng hindi nakikitang patalim. Kinailangan kong kalmahin ang sarili ko bago siya taas noong tinitigan.

“Sa tono ng pagsasalita mo, lumalabas na lubos mong kilala si Aellon,” sabi ko.

Sinalubong niya ang titig ko. Seryoso ang mga mata niya. “Want to say something?”

“I don’t know who you are, and I don’t even know why I am here,” sabi ko pa. Nilingon ko si Dune. “Do I have to trust these men?”

“I am here to help you,” sagot ni Golden Hair na may ngiti na sa labi. “Next to Aellon, I am the second leader of the organization. Sila,” aniya pa na itinuro ang mga lalaki sa likuran ko. “Hindi sila kikilos nang walang pahintulot.”

“Kayo ang Ghost Organization?” Nanlaki ang mga mata ko.

Umungol siya. “Nabanggit na pala niya ang organisasyon sa ‘yo. That’s good then. Your father was the leader of this team.”

“Just to make it clear, this is unknown to the Underground Council and not part of that game,” sabad ni Dune sa tabi ko. “Your father formed this right after White Smoke took over the leadership of the game. Isa itong grupo sa black market at iilan lamang ang nakakaalam ng identity ng bawat miyembro.”

“Yeah, Aellon told me that.” Nilingon ko siya. “Isa ka ba sa grupong ito?” tanong ko na sinagot niya ng isang simpleng ngiti. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

Tumikhim si Golden Hair. “Kailangan nating pagplanuhan ang gagawin nating pagsugod sa lungga ni Klein Demith,” aniya na para bang ipinagdidiinan sa akin na hindi importante ang walang kabuluhang mga tanong.

Natahimik ako. Bukod sa akin, ang lahat ng nasa kwartong ito ay nasisiguro kong bihasa sa ganitong gawain. Seniors sila, kumbaga.

“Kinky Tail told me the situation,” aniya pa na ikinakunot ko ng noo.

“Who’s Kinky Tail?”

“Dune,”

Nakaawang ang labi na nilingon ko si Dune. “Where the hell did you get that name?”

“That’s the name of my favorite lion,”

Napaungol ako. Alam kong normal sa underground society ang paggamit ng mga alyas, pero ang baduy naman yata ng mga pangalan na naisip nila. Golden Hair? Kinky Tail?

Sinaway ko ang aking sarili. Hindi ito ang tamang panahon para isipin ko ang tungkol sa mga pangalan nila.

“So, you are all here to help me kill Klein Demith?” naniniguro kong tanong.

“I told you, I’m here to help,” sagot ni Golden Hair. “Now that Aellon is gone, my job is to help you and your younger sister.”

“I―”

Itinaas niya ang kaniyang kamay para patigilin ako sa pagsasalita.

Kumilos si Golden Hair. May kung ano siyang pinindot sa ibabaw ng lamesa at ilang segundo pa, umilaw iyon. Tumuon ang paningin ko sa screen nang lumabas mula roon ang imahe ng isang isla, maliit na isla. Mula sa air view ay makikita ang kabuuan nito.

“Sa islang ito kasalukuyang nagtatago si Klein Demith,” aniya. “Maliit at pribadong isla na pagmamay-ari niya.”
May malaking bahay sa pinakagitna ng isla. Sa paligid nito ay may mga cottages. May helipad din hindi kalayuan sa bahay.

Pinindot ni Golden Hair ang screen sa tapat ng bahay. Nag-zoom in ang imahe noon at ipinakita ang 3-D blueprint. Hindi pala ganoon kalaki, pero sapat na para makapagtago sa mga bantay na nagroronda sa paligid.

“Nakuha ko na lahat ng exits na maaari niyang gamitin para tumakas.” Itinuro niya ang isang kwarto sa second floor. “Sa kwartong ito namamalagi ang target. It will be your job to kill him… silently. The boys and I are going to take down the security.”

“Paano ako makakapasok sa bahay? O kahit sa isla man lang?” Nakakunot ang noong tanong ko. Sigurado akong may nakabantay sa bawat sulok ng isla. Mga lalaking armado ng matataas na kalibre ng baril.

“Tuwing Sabado, dumudukot si Klein Demith ng mga babae sa iba’t ibang lugar para dalhin sa isla. To feed his men’s hungry dick—” Humihingi ng pasensya ang kaniyang mukha nang tingnan ko siya. “Sorry for the word.”

Umangat ang kilay ko. Hindi problema sa akin ng paggamit ng mga bulgar na salita. Ang totoo ay hindi ko napansin ang pagbanggit niya sa salitang iyon.

Mas napagtuunan ko ng atensyon ang sinabi niya tungkol sa mga babaeng dinudukot ni Klein para―

Nanlaki ang mga mata ko. “You want me to—”

“Yes. You will be one of those women. Sa ganoong paraan ka papasok.” Mataman niya akong tinitigan. “Miss Strawford, gusto kong ipaalala sa ‘yo na hindi ito kagaya ng naging buhay mo sa kalye o ng naging buhay mo sa Rapsodhee High. Hindi ka pwedeng pumalpak dito.”

Tumango ako. Naiintindihan ko.

“I could kill him,” anaman ni Dune.

Umiling si Golden Hair. “You can’t and you know why. White Smoke wants Temple to do the job. Kapag nalaman niyang isa sa atin ang pumatay kay Klein at hindi si Temple, Naami’s life would be in danger.”

“He’s right. Let me do it, Dune. Gusto ko rin namang makaharap ang lalaking iyon,”

“All right then. Let’s stick to the plan,”

Kinabahan ako sa maaaring mangyari, pero hindi ako pwedeng magpabaya. Hindi ko pwedeng balewalain ang banta ni White Smoke.

“After killing him and after saving your sister, the card is all yours,” makahulugang sabi ni Golden Hair. “It will be up to you if you want to pursue the game in Underground or destroy it.”

Natahimik ako. Destroy it, huh?

“The Ghost Organization will always be here,” dugtong pa ni Golden Hair.



.....................



Jazzie S. Bayla

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now