Chapter 15

54 3 3
                                    





Chapter 15




Naging palaisipan para sa akin ang pagdating ni Sahara sa eskwelahang ito at ang sinabi niyang I’ll get you out of here. Ibig bang sabihin noon ay may alam siya tungkol sa larong nagaganap dito at ngayon ay narito siya para ialis ako?

Kumislap ang tuwa sa aking mga mata. Halos nakita ko ang ningning doon habang nakaharap ako sa salamin. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang ngiting sumilay sa aking labi. Ngiti na hindi ko inasahang makikita ko sa sarili kong mukha.
May pag-asang bumangon sa dibdib ko. Baka sakali, hindi pa huli ang lahat para sa amin ni Sahara.

Magaan ang pakiramdam na lumabas ako sa comfort room at humakbang pabalik sa classroom. Siguradong nagsisimula na ang mga klase dahil wala nang nakakalat na estudyante sa pasilyo.

Nasa third floor na ako nang magring ang aking cellphone. Balewala kong kinuha iyon mula sa bulsa, at napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Sahara sa screen. Paano niyang nalaman ang mobile number ko? Hindi ko maalalang nagkaroon kami dati ng digital communication. Oo at alam ko ang numero ng cellphone niya pero kahit isang beses ay walang text messages na namagitan sa aming dalawa.

“What?” kaagad kong tanong matapos sagutin ang kaniyang tawag.

“Nasaan ka?” balik tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot. Iba ang timbre ng boses niya. Parang may hindi magandang nangyayari. “Nasaan ka?” ulit niya.

Tumigil ako sa paglakad at pinakinggan ang mahinang ingay sa kabilang linya. Tunog iyon na nagmumula sa mga yabag at mukhang nagmamadali ang mga paang iyon.

“Temple, sumagot ka!” pasigaw na sabi ni Sahara.

“Nasa third floor, pabalik sa classroom,” napabigla kong sagot, nagulat ako sa kaniyang sigaw. “Ano’ng nangyayari?”

“Stay where you are. Someone is here to kill you—”

Kung ano man ang gusto niyang sabihin ay hindi ko na naintidihan. Nabitiwan ko ang cellphone nang mula sa likuran ay may sumakal sa akin gamit ang lubid o kung ano mang tali. May nagtatangkang pumatay sa akin.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nagawa kong sikuhin ang tagiliran ng kung sino man sa likuran ko na nagtangkang pumatay sa akin. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa maramdaman ang pagluwag ng tali sa leeg ko. Sinamantala ko ang pagkakataon at bahagya akong yumuko kasabay ang paghawak ko sa kaniyang braso, at saka ko siya binuhat mula sa likuran at paikot na ibinagsak sa sahig. Tuluyan na niya akong nabitiwan.

Umatras ako palayo sa kaniya. Nagka-roon na rin ako ng pagkakataong pagmasdan ang kaniyang hitsura. Nakasuot siya ng malaking hoodie jacket at itim na face mask na naging dahilan kaya hindi ko siya makilala. Ang nasiguro ko lang, isa siyang babae base sa pigura niya.

Humanda ako sa depensa nang mabilis siyang tumayo at humanda sa muling pag-atake. Hindi siya nagsayang ng ilang segundo pa. Sumugod siya dala ang extension cord na siya niyang ginamit para sakalin ako. Ngayon naman ay ginamit niya iyon na parang latigo laban sa akin.

Nagawa kong umiwas sa bawat atake niya kahit na nahihirapan pa rin akong huminga. Narinig ko ang tunog na nilikha ng cord sa bawat paglipad nito sa hangin at nadistract ako. Para siyang sumasayaw habang pinapaikot-ikot ang cord kaya hindi naging madali sa akin ang umatake habang umiilag. Isang maling kilos, madedehado ako.

Nahuli ko ang kabilang dulo ng cord. Pinaikot ko iyon sa kamay ko nang sa ganoon ay hindi ko mabitiwan. Napaunat siya, nagulat sa ginawa ko. Sa huli, ginaya niya ako. Ipinulupot niya rin sa kaniyang kamay ang kabilang dulo ng cord. Dalawang hakbang lamang ang pagitan namin, pero hindi ko siya makilala dahil sa maskara at malaking hoodie jacket na suot niya. Kung sino man siya, hindi ko na muna dapat pagtuunan ng pansin. Ang dapat kong gawin ay iligtas ang sarili ko laban sa kaniya.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedWhere stories live. Discover now