Chapter 19

51 4 2
                                    






Chapter 19



“Tiarah!”

Napabalikwas ako ng bangon. Nakita ko na naman ang eksenang iyon, ang nakaraang hindi ko magawang kalimutan. Ang nakaraan na parang pumapatay sa akin nang paulit-ulit. Ang nakaraan na nagsimula ng pagbabago sa aking pagkatao.

Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi ako dapat umiyak, hindi dapat.

“You’re awake,”

Nilingon ko si Dr. Levesque. Nakangiti siya habang humahakbang papalapit sa akin. Sinubukan kong bumangon at nasapo ko ang ulo nang bahagyang umikot ang paningin ko. Nasa Infirmary Building ba ako?

“Are you okay now?” tanong ng doktor matapos maupo sa gilid ng kama.

Hinarap ko siya. Alam kong may ibig ipakahulugan ang tanong niyang iyon at pinili kong manahimik sa halip na sumagot.

“Dinala ka ni Creed dito nang mawalan ka ng malay,” aniyang muli.

Hindi ko alam kung bakit si Creed ang nagdala sa akin, pero hindi na iyon importante.

“Temple…”

Umangat ang paningin ko nang marinig ko ang boses ni Sahara. Papalapit siya at pormal ang mukha. Kumuyom ang kamao ko. Paano niyang nakukuhang umakto nang ganito?

Nang gabing iyon, nang paslangin si Tiarah ay dumating siya ilang sandali matapos lisanin ni Scarface at ng mga kasama niya ang maliit naming bahay. Nakita niya sa Tiarah na wala nang buhay, pero hindi ko nakita sa mukha niya ang sakit. Hindi ko nakitang umiyak siya sa sinapit ng kaniyang kakambal. Nanatili lamang siyang nakatitig sa bangkay ni Tiarah, walang emosyon, walang kahit ano. Hindi ko alam kung dahil ba wala siyang pakialam o dahil mahusay lamang siyang magtago ng emosyon.

Lihim akong nagngitngit sa galit at alam kong kailangan kong lisanin ang lugar na ito bago pa man sumambulat ang galit ko. Ayokong magsimula, ayokong lalong maramdaman ang sakit.

Walang salitang tumayo ako tinungo ang pinto. Wala akong pakialam kung nakasuot man ako ng patient gown.

“Temple,” muli kong narinig ang boses ni Sahara.

“Don’t dare touch me,” sabi ko.

Umurong si Sahara. “You have to stay here, Temple.”

Tumigil ako sa paghakbang, pero hindi ako nag-abalang lumingon.

“We need to talk,” aniya.

We need to talk? Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, ang sandaling sa wakas ay mabigyan na rin niya ako ng atensyon.

“Matagal ko nang dapat sinabi sa ‘yo ito,” pagsisimula niya. “Matagal ko nang dapat ipinaliwanag sa ‘yo ang lahat, ang totoong nangyari. Pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Masyado nang maraming nangyari sa akin at sa ‘yo pagkatapos… ng… nangyari.”

“All those times,” mahina kong sagot. “Every goddamn day, I wonder why Tiarah was killed. Dinadalaw ako ng bangungot sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Nakikita ko siya, umiiyak, humihingi ng tulong. Her tears and her face are haunting me… every goddamn time!”

“Temple—”

“Ikaw Sahara.” Galit ko siyang hinarap. “Ano’ng ginawa mo pagkatapos noon? Tumakas ka… bigla ka na lamang nawala. Sampung taon, Sahara, sampung taon na nalunod ang pagkatao ko sa mga tanong. Bakit pinatay si Tiarah? Bakit ka nawala? Bakit mag-isa akong pumasan sa bigat ng sakit at galit? Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung ano ang kasalanan ko. What did I do to deserve this pain? Why was I'm so alone?”

The Art of the Game (GHS 1) CompletedМесто, где живут истории. Откройте их для себя