Chapter 29

19 2 1
                                    






CHAPTER 29



Masakit sa tenga ang mga iyak na narinig kong pumuno sa buong silid mula sa walong babaeng kagaya ko ay nakagapos ang mga paa at kamay. Nakasiksik ang lahat sa isang sulok na tila ba sa lugar na iyon ay ligtas sila.

Tahimik kong pinanood ang nakakaawa nilang mga kilos. At habang pinapanood sila ay bumalik sa alaala ko ang isang eksena noong kasama ko si Kabron…

May hawak siyang baril at ganoon din ako. Nakatutok iyon sa tatlong babaeng umiiyak sa isang sulok ng maliit na kwarto. Tahimik ang iyak nila sa takot na baka maaga silang maki-pagkita kay Kamatayan. Schedule ng paglilipat sa tatlong babae mula Marikina hanggang sa Pasay kung saan ay ibebenta sila sa isang bar. Galing sa probinsya ang mga ito na naloko ng magandang trabaho sa syudad. Bumagsak sila sa sindikatong kinabibilangan ko. Nang mga panahong iyon ay mahina ang bentahan ng mga babae, pero sumugal si Kabron dahil na rin sa matumal na negosyo.

“Boss, bakit hindi pa natin isama si Pusa sa tatlong iyan? Kita mo naman, oh. Tiba-tiba tayo sa kanya. Maganda, makinis, maputi, at seksi. Siguradong malaki ang kikitain natin diyan,” narinig kong sabi ng isa naming kasama na nakamasid sa akin.

Batid kong nagbibiro lamang siya, pero hindi ko nagustuhan iyon. Lumipat sa direksyon niya ang pagkakatutok ng baril na hawak ko.

Putang ina, Pusa!” Literal na napatalon siya mula sa kinauupuan at nagkubli sa likod ng upuan. “Masyado kang mainit. Kalma! ‘Tangina!”

“May kalalagyan ‘yang katabilan ng dila mo, Pilat,” sabi ko.

Tumawa si Kabron. “Siguro naman ay alam mo na kung bakit paborito ko itong si Pusa.” Binalingan niya ako. “Tama na ‘yan. Dalhin n’yo na ‘yang mga babaeng ‘yan.”

Tumalima ako sa utos.

Napabuntong-hininga ako at bahagyang ipiniksi ang aking ulo para pawiin ang eksenang iyon. Hangga’t maaari ay hindi ko na dapat pang balikan ang mga nakaraan. Pero alam kong lahat ay mananatili sa aking alaala. Walang mabubura at walang makakalimutan.

Nang mga panahong iyon ay pikit-mata akong sumunod sa trabaho at utos ni Kabron. Wala akong pakialam kung pumatay man siya, gumahasa, at mambugbog. Balewala sa akin na ginawa niya ang lahat ng iyon sa harapan ko.

Ngayon ay nakaramdam ako ng awa sa mga babaeng kasama ko. Ilang sandali pa’t alam kong dadanasin nila ang pait ng makamundong pagnanasa. Gusto ko man silang iligtas ay wala akong magawa. Ni hindi ko magawang patigilin ang pag-iyak nila.

Si Klein Demith ang dahilan kung bakit narito ako. Hangga’t hindi ko natatapos ang misyon ko ay hindi ko dapat bigyang pansin ang ibang bagay.

Lima sa kanila ang nahihinuha kong menor-de-edad. Naka-high school uniform pa ang dalawa. Mula sa Maynila ay isinakay kami sa L300 van nang alas-tres nang madaling araw. Ako ang pinakahuling dinukot nila na ang totoo ay napagplanuhan na ng Ghost.

The Art of the Game (GHS 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon