♕CHAPTER 3♕

3.9K 116 2
                                    

CANA ANNALIS

Mula sa murang edad, naranasan ko na ang paghihirap at ang pangungutya ng iba. Na bully ako noong elementarya dahil sa pagiging broken family ko at sa pagiging tahimik ko.

Naranasan ko ang matahin ng iba, kutyain at tignan nang hindi maganda.

Natapos lang ang paghihirap na 'yun nung natutunan kong mahalin ang sarili ko nung nagdalaga ako, sinubukan ko magbago at intindihin ang problema sa loob ng pamilya ko.

Madalas kasi nag-aaway ang aking ina't ama noong mga bata pa lang kami ng bunso kong kapatid, nagdulot ito ng paghihiwalay nila ngunit nung dumating ako sa tamang edad ay nakita kong may pag-asa pa ang pagsasama nila at nagpursige na buoin ang aking pamilya.

Naging maayos naman ang lahat ngunit iba na ang naging dulot nito sa kapatid ko, naging mailap siya at parang hindi kami tinuturing na pamilya niya.

Kaya naman ngayon na nasa loob ako ng katawan ni Kiera, hindi ko maiwasan isipin ang bunso kong kapatid sa ginagawang hindi pagpansin sa;kin ni Keisha.

Kumakain kami ngayon nang salo-salo sa harap ng hapag-kainan ngunit ni isang tingin hindi niya ko mabigyan, halata rin sa kaniya na inis na inis siya sa'kin sa hindi ko malaman na dahilan dahil ito lang naman ako oh? Kumakain lang ako nang tahimik sa harap niya.

Naputol ang katahimikan na bumabalot sa loob ng silid nang nagsimula magsalita ang Duke na nakaupo sa gitnang bahagi ng mahabang mesa na puno ng mga pagkain.

"Mabuti naman at naisipan mo na sumalo sa'min sa habang-kainan Kiera," sabi ng aking ama nang hindi man lang tumitingin sa'kin at patuloy na kumakain.

"Haha, magaling na kasi siya sa kaniyang sakit your grace," sagot naman ng aking ina at patuloy na lang akong sumalo sa kanila sa pagkain.

Sa totoo lang tatlong linggo na akong nasa loob ng pamamahay na 'to pero hindi pa rin ako masanay sa mga bagay na nakikita ko. Kahit pa sabihin na tanda ko naman lahat sa tulong ng memorya mismo ng katawan na 'to pero 'yung utak ko halatang nagtatanong pa rin kung anong ginagawa ko sa lugar na 'to.

"Dadalo ka ba sa graduation ball ng Lumire Academy?" Tanong ni Duke Roman sa'kin at sinagot ko naman ito nang maikli habang hinihiwa nang maayos ang aking pagkain.

"Yes your grace," maikli kong sagot sa kaniya at parang naninibago siya sa kinikilos ko.

Sa totoo lang hindi lang ang Duke ang naninibago sa'kin kung hindi lahat sila ay hindi makapaniwala sa tahimik at kalmadong kong kilos sa loob ng mansyon. Sa loob kasi ng mga linggo limipas ay wala akong ginawa kung hindi magkulong sa kwarto ko habang binabasa ang mga librong nasa loob ng silid ni Kiera.

Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong mamangha sa mga librong nakalagay sa malaki niyang bookshelf na halatang hindi niya binabasa at syempre sa mga panahon na 'yun ay nagpapalno din ako kung pano ko maliligtas ang buhay ko bilang Kiera Dedamia Romulus, ang kontra-bida sa loob ng librong 'to.

Wag lang sana nilang isipin na hindi na ako ang Lady Kiera nila na isang babaeng iskandalosa at impokrita.

"Totoo bang ayos ka lang? Baka kailangan mo magpatingin sa doktor?" Tanong muli ng Duke at umiling lang ako bilang sagot.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now