♕CHAPTER 5♕

3.4K 123 1
                                    

CANA ANNALIS

Dumadaundong nang malakas ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba, nakatayo ang emperor sa harapan naming lahat at nakatingin sa direksyon na'min ng kaniyang apo na si Diana.

Walang nakakaalam ng mga susunod na pangyayari o bakit dumalo ang emperor sa graduation ball na 'to, ako lang ang bukod tanging may alam sa mga susunod na kaganapan.

"Nakikita kong nagkakasiyahan kayong lahat sa pag-sayaw, hindi ko sana nais putulin ang kasiyahan ngunit nais ko muna kayong batiin sa inyong pagtatapos sa taon na 'to," bati niya sa'min at lahat kami ay nagpasalamat sa kaniya.

Kahit nanlalamig ang mga palad ko ay kinampante ko lang ang sarili ko, alam ko naman na hindi ako kakantiin ng emperor pero 'yung presence niya pa lang kasi sa lugar ay nakakakaba na.

"Sa kasiyahan na 'to, nais ko rin sana sa inyong ipakilala ang nag-iisa kong apo na babae," pag-aanunsyo niya at patago kong sinilip nang tingin si Diana na halatang kabado na. Sa pagkakaalam ko ay alam niya ang buong pagkatao niya o kung sino talaga siya.

Hindi niya lang nais sumali sa magulong takbo ng monarkiya kaya nanatili siyang tago na siyang bilin din ng kaniyang namayapang ina.

"Diana Athena Eckheart," tawag sa kaniyang pangalan at halos mapatingin lahat ng mga tao sa kinaroroonan niya, nakayuko lang si Diana at nang tawagin siya para pumahik sa entablado ay tahimik at magalang siyang naglakad patungo rito.

Nakatingin lang ako sa kaniyang paglalakad papuntang entablado at parang ako itong kinakabahan sa kaniya, alam kong hindi niya nais ang maging prinsesa ngunit kailangan siya ng emperyo na 'to balang araw at alam kong mahahanap niya rin ang sarili niya sa posisyon kung saan kailangan-kailangan siya.

"Pa-pano naging prinsesa si Diana? Hindi ba't commoner siya?" Iyan ang mga naging bulungan sa loob ng banquet at isa lang ang sagot d'yan.

Anak siya ng namayapang prinsepe na nakapangasawa ng isang commoner sa bayan ng Redwood, nang mamatay ang prinsepe sa gera at yumao rin ang kaniyang ina ay naiwan siya sa kaniyang tiyahin na walang ginawa kung hindi pagmalupitan siya.

At ayon sa librong na basa ko, ang tiyahin niya rin ang nagbenta sa pagkato ng kaniyang pamangkin sa royal family. Kapalit nang malaking halaga ay ibinigay niya ang impormasyon na matagal ng tinatago ng ina ni Diana.

Pero ayos lang, dahil sa pagliko ng kapalaran niya ay mas magiging maayos ang buhay niya. Mabait ang emperor at kahit maraming nakapila para sa trono ay sa apo niya pa rin na babae ibibigay ito.

Hindi lang trono, kung hindi lahat-lahat ng pagmamay-ari niyang yaman ay mapupunta kay Diana.

At doon ko isasagaw ang pangungutang ko para mabili si Viggo wahaha.

Napatingin ako sa entablado kung saan nakatayo si Diana at ang emperor, hindi ko rinig ang mga usapan nila mula sa kinatatayuan ko ngunit kita ko naman ang saya sa mukha nilang mag-lolo at kung pano yakapin ng emperor si Diana.

Kung sa ngayon ay mukhang nagdadalawang isip pa si Diana sa posisyon na nakuha niya ay paniguradong mamahalin niya rin naman ito dahil sa tulong ng kaniyang lolo na nag-iisang totoong katuwang niya sa buhay na 'to.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon