♕CHAPTER 36♕

1.9K 58 6
                                    

CANA ANNALIS

Na pagpasyahan naming tumigil ng isang araw sa Romulus Estate dahil sa hindi ko inaasahang pagbisita ni Diana at ni Hendrix sa manor.

"Kamusta naman ang preperayon ng minahan Kiera?" Tanong ng Duke habang sabay-sabay kaming kumakain sa mahabang hapagkainan kasama ng mga bisita na 'min.

Nakahanda ang napakaraming't masarap na pagkain sa harap na 'min at hindi naman magkandaugaga ang mga katulong sa pagsisilbi sa dalawang royal na nasa tabi't harapan ko.

"Nagsisimula na po sila magmina at kahit sa bukana pa lang daw ng minahan ay may nakukuha na agad silang mga mineral na maaaring maibenta sa malaking halaga your grace," kwento ko sa kaniya habang hinihiwa ko ang karne sa maliliit na piraso sabay subo rito.

"Kung maging maayos ang kalakalan doon ay paniguradong matutulungan din ng minahan mo ang ekonomiya ng emperyo," sagot naman ng crown prince at ngumiti ang duke at duchess sa ideya na 'yun.

"Nakakatuwa lang dahil pati ang matagal nang problema na miasma ay nagawan mo ng solusyon, nais ko rin sana magpasalamat sa kaibigan mo na mula pa sa ibang nasyon, lady Kiera" sagot naman ni Diana at muntikan na ko mapaubo dahil hindi ko alam kung mabuting ideya ba na makilala pa nila si Achlys sa kanila pero sa ngayon tatango muna ako sa sinabi niya.

Kahit na nakakatakot na ideya pagkitain si Achlys at itong crown prince, si Viggo pa nga lang at si Achlys ay sumasakit na ang ulo ko idagdag pa kaya itong si Hendrix?

"Nakakapagtaka lang na may nakilala kang tiga ibang bansa kung hindi ka naman nakakaalis ng emperyo, sister," dagdag ni Keisha sabay ngiti sa harap ko at inum sa wine niya.

Nagsisimula na naman ang isang 'to na inisin ako, kaya minsan kahit gusto ko dumalaw sa Romulus Estae ay napapaisip ulit ako dahil ayokong makita ang babaeng 'to.

"Hindi mo lang alam Keisha pero marami na kong lugar na napuntahan,". Sagot ko sa kaniya sabay ngiti pero hindi siya nagpatalo.

"Akala ko nga nobyo mo ang nababalitang pinatira mo sa kastilyo, hindi ka man lang humingi ng abiso sa ating ama at nagpatira ka na ng lalaki sa kastilyo mo, dont get me wrong ate, concern lang ako," sagot niya at tumingin sa 'kin na akala mo talaga ay nag-aalala siya.

Kung hindi ko kilala itong si Keisha baka inisip ko nang nagbago na talaga siya at may concern na sa 'kin pero hindi ako kakagat sa mga pinapakita niyang kaplastikan.

"Hmm... Kiera, may punto ang kapatid mo. Hindi ka nagpaalam sa 'kin tungkol sa pagpapatira mo sa iyong kaibigang lalaki sa kastilyo, nais ko muna sana siyang makilala para alam ko ang bawat taong nasa paligid mo," sagot niya sabay tingin kay Viggo.

"Sa ngayon si sir Viggo at Wilbert lang ang nais kong pagkatiwalaan mo, sa kanila ay kampante ako na magiging ayos ka," sagot nito at tumango pa kay Viggo, tila ba sobrang laki ng tiwala niya sa butler ko.

Medyo nakakakaba lang kung malalaman niya na ang lalaking pinagkakatiwalaan niya ang sumisiil sa labi ng anak niyang babae sa gabi.

Napayuko tuloy ako dahil pakiramdam ko namumula ang pisnge tuwing na aalala ko ang mga halik na pinagsasaluhan namin ni Viggo.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now