♕CHAPTER 42♕

1.7K 46 6
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

"Seryoso ka ba na ganiyan ang susuotin mo? Hindi ba't pag-hunting event ay magtsa-tsaa lamang ang mga binibini at iintayin ang mga kalalakihan na dalhan sila ng offering?" Tanong ni Viggo habang hindi makapaniwala sa suot ko.

"Para namang hindi ka pa na sanay na makitang nakasuot ako ng trouser? Like hello hunting event 'yun," saad ko at napailing na lang si Viggo habang inaakyat naman nila Beth at Miranda ang gamit namin sa isang karwahe.

"Hindi ka naman mang hu-hunting ah, kaya bakit ka nakaganyan?" Reklamo ulit ni Viggo at hindi ko alam bakit ang damit niyang reklamo ngayong araw.

"May maliit na pwesto raw para sa mga kababaihan para manghuli ng maliliit na hayup kaya naisipan ko magsuot ng ganito, isa pa mas makakagalaw ako sa ganitong damit," saad ko at napabuntong hininga na lang siya at napailing.

"Bahala ka na nga d'yan," sagot niya at naglakad na sa unahan para tignan naman ang mga ko disyon ng mga kabayo na gagamitin mamaya.

"Ano bang problema niya, lagi ko naman ito suot dito sa border," bulong ko at nag-aalinlangan naman si Beth na magsalita.

"Hmm... mukhang ayaw lang po si sir Viggo na paulanan ka ng atensyon ng mga taong hindi sanay sa inyong pustura my lady," sagot niya at pumasok naman ang posibilidad na iyon sa isip ko.

Sabagay, hindi naman sanay ang mga tao sa central sa pananamit ko. Hindi katulad ng mga nasasakupan ko at tao rito sa border na nasanay na sa pananamit ko.

"May punto ka Beth, pero hayaan mo sila at least ako komportable sa suot ko," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya sa harap ko at inayos na ang trabaho niya.

"Maiba ako, bakit lagi atang wala si Miranda?" Tanong ko sa kanilang tatlo dahil pansin ko na laging late si Miranda  sa mga gawain niya.

Nasasanay na ba siya maging tamad dahil sa lagi ko siyang pinapaboran hindi katulad ng tatlong ito?

"Nakita ko po siyang umalis kagabi, siguro na puyat po kaya medyo nahuli nang gising," sagot naman ni Emely at napaisip naman ako, saan naman pumupunta si Miranda sa ganu'ng oras ng gabi?

Sinong katagpo niya o sabihin na nating ano ang ginagawa niya?

"My lady! Pasensya na po nahuli ako, may inasikaso lang," sa pag-uusapan namin ay saka naman siya dumating at halatang hingal na hingal, inabot niya sa 'kin ang isang lalagyan ng tubig para sa mahabang pahlalakbay at bigla kong na pansin ang kaniyang kamay na may bahid ng kakaunting tinta ng panulat.

Patago ko itong tinignan at nais ko sana siyang tanungin tungkol dito pero hinayaan ko na lang at baka may personal siyang ginagawa kaya siya madalas mahuli sa oras na pinag-usapan.

"Ayos na ba ang lahat? Handa na ko manghuli ng mga leon!" Masiglang sabi ni Achlys habang kanina pa nakasakay sa kabayo niya at napailing na lang ako.

"Anong manghuhuli? Sa tabi lang kita tanda mo?" Tanong ko sa kaniya at biglang bumagsak ang mga ngiti niya sa labi at ngumuso sa harap ko.

"Ano ba 'yan, nakakatamad naman," sagot niya at sinundan na lang ang pagmartya ng mga kawal ko palabas ng kastilyo papunta sa hunting ground.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon