♕CHAPTER 56♕

1.3K 41 3
                                    

VIGGO

♕♕♕

Patago akong pumanhik sa opisina ng crown princess at nakita kong nag-iisa siya sa loob ng silid at halatang iniintay rin ang aking pagdating.

Tanghali ngayon, makulimlim ang panahon at karamihan ng bantay ay abala sa paghahanap sa Duchess at sa pagbabantay sa Duke ng Romulus, kaya naman mabilis kong naisagawa ang plano kong pagpuslit ko sa kaniyang opisina nang walang nakakapansin.

Kumatok ako nang dalawang beses sa salamin sa kaniyang beranda at agad niya itong binuksan at hindi makapaniwala sa ideya na nakaakyat ako sa ika-apat na palapag ng Imperial Palace.

"Sir Viggo," tawag niya pabulong at agad na pinagbuksan ako ng bintana saka pinapasok sa kaniyang opisina.

"Hindi ako makapaniwala na talagang tatagpuin mo ko sa opisina ko sa ganitong oras gaya ng sabi mo, akala ko nagbibiro ka lang dahil napakaraming bantay sa labas pero pano mo nagawang pumuslit dito at sa ganitong kataas na palapag ng hindi nila nakikita?" Usisa niya at halatang gulat na gulat sa ginawa ko dahil hindi niya naman alam kung anong klaseng nilalang ako.

"Saka ko na ipapaliwanag at mabuti pang unahin na natin ang plano, nais kong tanungin kung kamusta ang Duke?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang damit ko na halos magusot na dahil sa lakas ng hangin sa palapag na ito.

"Ayos naman na ang Duke at mabilis kong naagapan ang lason na kumalat sa katawan niya, kailangan lang na 'tin siya intayin magising para masabi niya ang katotohanan," sagot ninto at tumango naman ako sa kaniya.

"Eh kamusta naman si lady Kiera?" Tanong niya at sa totoo lang kanina pa ko hindi mapakali kay Cana, para bang hindi ko siya nais iwan at gusto ko na mamadaling puntahan siya ngunit kailangan kong unahin ang plano na ito para na rin sa kaniya.

"Iniwan ko siya sa Moonvault, may pagkain naman siya roon at kagamitan, kailangan natin bilisan at malinis ang pangalan niya para makabalik na siya sa normal niyang pamumuhay," saad ko at tumango naman siya.

"Nag utos na rin ako ng isang grupo para hanapin ang Duchess at ang iba pang kasangkot sa nangyari, sabi ng mga katulong sa Romulus estate ngayon raw ay paalis-alis si Keisha tuwing gabi at ngayon din mismo ay nagsabi ito na may kikitain, pero ang kakatwang bagay ay marami itong dalang gamit na parang pupunta sa malayong lugar at magbabakasyon," paliwanag ng crown princess sa akin at kumunot naman agad ang noo ko sa balitang iyon, nagawa niya pang magbakasyon ngayon na nawawala ang duchess at may sakit ang duke?

"Hindi ba't masyadong halata ang mga hakbang na ginagawa niya?" Tanong ko sa crown princess at nagbikit balikat lang ito.

"Sabi niya sa mga katylong sa romulus estate ay may kailangan daw siyang asikasuhin na importanteng bagay at nais niya raw makapagpahinga sa mga nangyayari na problema sa kanilang pamilya, iyon ang palusot niya pero dahil tayo ang nakakalam ng katototahan ay alam na 'ting may kakatwa siyang ginagawa," sagot ng crown princess at tumango naman ako dahil iyon din ang hinala ko.

Hindi ko lang alam kung ano pa ang plano niya, tatakas na ba siya dahil sa nasa puder na ng imperial family ang duke at may posibilidad na itong magising?

"Sa ngayon, pakibantayan maige ang Duke at gawin ang lahat para magising ito, ako naman ay pupunta sa summer grave para humingi ng tulong kay Achlys," sagot ko at tumango siya.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now