♕CHAPTER 52♕

1.2K 31 3
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Nakakabingi pag-iyak ni Keisha ang umalingawngaw sa paligid ko at ang walang sawa niyang paghingi ng tulong.

Natuod ako sa kinauupuan ko habang hindi ako makagalaw at nanginginig ang mga palad ko sa takot.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw niya sa pagitan ng kaniyang mga paghikbi habang ako ay parang hindi makahinga sa sobrang pagkabog ng dibdib ko.

Mabilis na pumasok ang mga kawal sa loob ng silid at laking gulat nila nang makita ang Duke na walang malay sa sahig habang may basag na baso sa tabi ninto.

Agad nilang binuhat ang Duke at inalis sa silid na iyon habang ang tatlo naman ay nakabantay sa 'kin at tinututukan ako ng mga espadang kanilang hawak.

"Ni-nilason ni Kiera ang Duke!" Sigaw ni Keisha habang takip-takip niya ang kaniyang bibig at puno ng luha ang mga mata niya.

"Te-tekka, anong sinasabi mo?" Tanong ko at kabado akong umiling sa harapan ng mga kawal na sobrang kinatatakutan ko ngayon.

"Kitang-kita ko! Bumagsak ang duke nung inumin niya ang tsaa na nasa harapan niyo!" Sumbong niya at akmang lalapit ko sa kaniya pero agad nila akong pinigilan at hinarang ng mga espada nila.

"Wala akong kinalaman dito! Hindi ko nilason ang tsaa!" Sagot ko kahit na nahihirapan ako mag-isip dahil sa kaba sa pangyayari na nangyayari sa 'kin ngayon.

"Kung may lason ang tsaa edi sana bumula na rin ang bibig ko!" Sagot ko at agad na tumango ang isang kawal sa kasama ninto saka inimbistigahan ang tsaa na nasa ibabaw ng lamesa.

Bahagya niyang inamoy ang tsaa at tinikman ito ng kakaunti ngunit wala siyang ibang naramdaman sa kaniyang katawan na kakaiba, bagkos ay lumuhod siya sa harap ng basag na tea cup at inamoy ito saka niya nakita ang kakaibang itim na marka sa palibot nito.

"Sir, walang lason ang tsaa pero ang basong ininuman ng duke ay mayroon," sagot ng kawal at halos manlambot ako sa sagot na iyon.

"Plinano mo ba ito sister? Pano mo 'to nagawa sa Duke?" Tanong ni Keisha at halos makagat ko ang labi ko sa galit dahil alam kong wala akong kinalaman sa bagay na ito at siya mismo ang gumawa ng plano na ito.

"Anong plinano? Hindi ko magagawa sa Duke ito! Baka ikaw ang nagplano?" Galit kong sigaw sa kaniya at umakto siya na gulat na gulat at pawang lalong maiiyak, napaluhod pa siya sa sahig at umaktong mahihimatay sa mga nangyayari.

"Lady Keisha!" Salo sa kaniya ng isang kawal at umakto siyang hinang-hina rito.

"Kitang-kita na namin sister, tapos na gawa mo pang isisi sa akin ito?" Tanong niya at umakto pang hirap na hirap sa pangyayari, akala mo talaga ay isa siyang magaling na aktress sa mga pakulo niyang ito.

"Anong palabas na naman ba 'to Keisha?" Tanong ko at pag-iyak lang ang sinagot niya sa 'kin habang ang mga kawal naman na nasa harapan namin ngayon ay halatang pumanig sa kaniya.

Lahat sila ay nakatingin sa 'kin nang masama at hinuhusgahan ako, para bang bumalik lahat ng trato nila sa 'kin simula nung tinuturing nila akong black sheep ng Romulus.

Para bang na wala lahat sa kanila ang tingin nila sa 'kin nitong mga nagdaang buwan, 'yung paggalang nila, 'yung paghanga nila.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon