♕CHAPTER 4♕

3.4K 124 0
                                    

CANA ANNALIS

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ko sa oras ang pag-aayos sa'ming dalawa. Wala akong choice kung hindi suotin ang revealing na gown na meron si Kiera pero nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok na kinulot ko bandang dulo upang matakpan ang dibdib at balikat ko.

Samantalang si Diana naman ay pinusod ko ang buhok at tinirinras ito paikot, may unting hibla akong niladlad banda sa kaniyang mga tenga at kinulot rin ito.

Sa make-up naman naming dalawa ay simple lang ang ginawa ko dahil hindi rin naman marami ang pagpipiliin kong mga shade ng eyeshadow dahil masyadong luma pa ang mga kagamitan nila sa larangan na 'to.

Napa-isip tuloy ako, kung gumawa kaya ako ng sarili kong make-up line sa era na 'to? Magkakapera kaya ako? Papatok kaya?

"Lady Kiera, ayos na raw po ang karwahe na inyong sasakyan," sabi ng katulong na siyang naglinis ng silid ko kanina at tumulong sa'min maisuot ang mga 'to.

"Ayos na raw ang karwahe tara na Diana," aya ko sa kaniya at napansin kong hindi makapaniwala si Diana sa kaniyang itusra ngayon, patuloy pa rin siyang nakatitig sa kaniyang mukha sa salamin at tila ba hindi naririnig ang mga sinasabi ko, ganoon din ang katulong namin at hindi maalis ang tingin sa'ming dalawa ni Diana.

"Lady Kiera ngayon ko lang nakita ang ganiyang ayos sa mukha, kayo lang po ang nag-ayos niyan?" Tanong niya at pansin na hindi katulad ng style nila ngayong taon ang make up na suot naming dalawa ni Diana.

Ayoko naman maglagay ng blush on na putok na putok sa pisnge katulad sa mga nakikita kong larawan ng mga kababaihan sa libro, sa loob ng taon na 'to.

"Oo ako lang, sino pa ba aasahan ko?" Pagtataray ko dahil alam kong ito ang isasagot ni Kiera sa harap ng katulong nila.

"Diana! Nag-iintay na ang karwahe!" Tawag ko sa kaniya saka lang siya na balik sa ulirat at agad na sumunod sa'kin sa paglalakad palabas ng silid.

Nang makababa kami sa mansion ay nakita kong nag-iintay ang aking ina sa harap ng karwahe, na pansin ko na hindi niya kasama ang Duke at hindi man lang ako maihatid sa graduation ball ko.

Grabe talaga, hindi niya man lang mabati o i-congratulate ang anak niya sa pagtatapos ng pag-aaral nito sa academy.

"Aba! Hindi ko akalain na may ganiyan kang damit Kiera, sinong katulong ang nag-ayos ng buhok at mukha niyong dalawa?" Tanong niya nang makalapit kami sa kaniya at napatingin sa'kin si Diana.

"Ah, ako lang po." Maikli kong sagot na tila kinabigla niya, halata sa mukha ng Duchess ang lungkot at tila konsensya sa dinaranas ng kaniyang anak ngayon.

Hanggang ngayon ba hindi niya pa rin alam na walang persoanl maid ang anak niya?

Sabagay, hindi naman nahahawakan ng Duchess ang ano mang pagmamay-ari ng asawa niya at tila ba isa lang siyang dekorasyon sa tabi ng Duke. Isang babaeng tatayo bilang asawa niya sa tabi niya.

"Wag kayo mag-alala, mas gusto ko naman na ako lang ang nag-aayos sa'kin kaya wag na kayo mag-isip pa," sagot ko sa kaniya at nagulat siya dahil sa na hulaan ko ang iniisip niya.  Halata naman kasi sa mukha niya kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon