♕CHAPTER 10♕

2.9K 107 1
                                    

CANA ANNALIS

Halata sa mukha ni Heneral Luna ang pagkainis dahil sa na abala siya sa kaniyang pagtuturo ng ensayo sa mga bagong recruit at squire.

Masama ang timpla ng kaniyang mukha nung nakita niya kong naglalakad sa training ground at papalapit sa kaniya.

"Greetings lady Kiera," bati niya sa 'kin pero halata sa mukha niya na hindi niya ko nais makita, siguro tingin niya ay may dala na naman akong kaguluhan sa lugar na 'to.

"Magandang umaga rin Heneral Luna, nais ko lang sana na mabigyan ng tamang training ang bago kong personal guard," maayos kong pakikiusap sa kaniya at agad naman siyang umiling.

"Hindi ako tumatanggap ng bagong recruit  my lady at lalo nang hindi ako tumatanggap ng utos nang hindi galing kay Duke Roman," sagot niya at alam ko naman na maaaring mangyari ito dahil sino nga ba si Keira sa bahay na 'to? Hindi naman siya tinuturing lady o isang importanteng tao rito.

"Ganun ba? Nais din sana makita ni Keisha na makipagdwelo kayo sa personal guard ko," sabi ko sa kaniya na agad niyang kinatigil sa ginagawa niya at agad na tumingin sa 'kin ng may inis sa mukha.

Siguro iniisip niya na minamaliit ko siya.

"Hindi laruan ang training ground my lady at kung nais niyo ng entertainment ay pwede niyo na lang pasayawin o pakantahin ang lalaking 'yan na mukhang hindi kayang bumuhat ng espada," sagot niya sa 'kin na tila ba hindi na iniisip kung sino ang nasa harapan niya.

Talagang na walan na ng galang ang bawat tao sa loob ng manor na 'to kay Keira, pero hindi ako papayag na patuloy nila akong ituring ng ganito, ni isa nga sa kanila ay walang nais bantayan ako o pagsilbihan man lang, tanging si Keisha lamang ang nais nilang ituring na binibini ng pamilyang ito.

"So sinasabi mo sa 'kin na hindi mo kayang pagbigyan ang kahilingan ko o ni Keisha?" Tanong ko sa heneral na mukhang nag-iinit na ang ulo, tumahimik lang siya at tumingin kay Viggo sabay balik nang tingin sa 'kin.

"My lady, hindi ako maniniwala na nais itong gawing palabas ni lady Keisha, panigurado akong kayo lamang ang may pakana ninto," sagot niya na totoo naman pero si Keisha naman ang nagpasimuno at may nais na makita ito.

"Ha? Osige kahit wag mo na siya kalabanin pero nais ko sana siyang matuto ng kahit anong teknik sa pakikipaglaban," sagot ko sa kaniya at tinignan niya lang ako nang mapanghusga.

Lumakad siya papalapit sa 'kin at tinignan ako nang direstyo sa mata at kitang-kita ko ang pagkairita niya sa presensya ko sa harap niya.

"My lady, pwede bang umalis ka na sa harapan ko kung ayaw niyong mawalan ako nang paggalang sa inyo," sabi niya sa 'kin sabay bangga sa balikat ko na muntikan ko na ikatumba at lakad pabalik sa ensayo nila.

Nakita kong nagtatawanan sila Keisha at ang mga kaibigan niya habang nakatingin sa 'kin at pinag-uusapan kami.

Napabuntong hininga ako at pinigil ang galit ko sabay kagat sa ibabang parte ng labi ko.

Bakit ganito, pakiramdam ko nararamdaman ko na naman 'yung trauma sa pang-bu-bully sa 'kin noong bata ako. Hindi ko tuloy mapigilan manginig ang mga kamay ko.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now