♕CHAPTER 30♕

2K 69 3
                                    

VIGGO

Isang madilim na lugar ang bumabalot sa buong paningin ko, tila ba may makapal at matiim na usok ang nagkulong sa 'kin sa lugar na 'to. Hindi ko makontrol ang sarili ko at ang isipan ko, lahat ng mga pinipigilan kong gawin ay kusang ginagawa ng katawan ko.

Kitang-kita ko kung pano ko siya pahirapan ngayon, kung pano ko nais angkinin ang babaeng nasa harapan ko.

Ang utak ko ang nagsasabing wag kong gawin ngunit ang katawan ko ang kusang kumikilos para gawin ang itinatago kong pagnanasa.

Gusto kong sumigaw at pigilan ang sarili ko dahil nais kong galangin ang babaeng ito kahit sa ganitong paraan na maingatan ko ang katawan niya ngunit hindi ko matatanggi ang pagnanasa kong angkinin siya.

Kaya ngayon na hindi ko kontrolado ang katawan ko ay tila ba kusa nitong ginagawa ang pagpipigil at pagtitimpi ko.

Gamit ang mahaba kong pangil ay sinakmal ko ang leeg niya, pigil ko itong ginawa dahil ayokong saktan siya, na para bang nakikipaglaban ako sa sarili kong katawan.

"Viggo tama na," rinig kong awat niya sa 'kin pero parang kada sabi niyang tama na ay parang mas gusto ko pang sakmalin ang iba't ibang parte ng katawan niya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan ang makinis niyang balat na kaniyang tinatago sa makapal niyang bistida pa tulog.

Sa bawat pagdamo ng palad ko sa malamig at makinis niyang balat ay para bang nag-iinit ang katawan ko na ngayon ko lang na ramdaman.

Gusto ko rin markahan iyon at ituring na akin kaya naman hinila ko ang binti niya at kinagat ito kahit na sumisigaw na ang kaloob-looban ko na tama na ang pananakit na ginagawa ko sa kaniya.

Pero hindi ako natigilan at tila ba hindi pa ko kuntento sa mga bagay na 'to kaya bawat sulok ng katawan niya at minarkahan ko, parang isang leon na minamarkahan ang tereteryo niya.

Hindi ko makapagsalita, hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin kahit na nais kong paulit-ulit na humingi ng pasensya at patawad sa kaniya.

Dahil habang ginagawa ko ito ay unti-unti kong nakikita ang panlalambot at kawalan niya ng lakas, tila ba pagtinuloy ko pa ito ay tuluyan na siyang mawawala sa 'kin. Tuluyan ko na siyang mapapatay.

Pero bakit ganito? Bakit parang gusto kong mamatay na lang kaming dalawa?

Sa kinaloob-looban ko ba ay ginusto ko na rin sumuko at makatakas sa pagiging bampira?

Sa tagal ba ng pagiging isa ko ay talaga bang nagpapasalamat ako sa master ko noon na ginawa niya kong bampira? O may parte sa 'kin na sinisisi ko siya dahil ginawa niya kong halimaw katulad ninto?

Ngayon na pinapakita sa 'kin ng itim na usok na 'to ang mga katotohanan na matagal ko nang tinatago at nagbubulagbalagan tignan ay para bang isa-isa na pumasok sa isip ko ang katotohanan.

Na sa buhay kong ito ay hindi naman talaga ako naging masaya na maging bampira, na hindi ko naman ginusto ito at parang hinihiling ko na lang na sana noong siyam na taon ako ay pinabayan niya na kong mamatay kesa sa maging katulad nila.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now