♕CHAPTER 33♕

1.9K 66 4
                                    

CANA ANNALIS

Sa pagsapit ng umaga, agad akong bumangon katulad ng nakasanayan ko na sa panahon na 'to.

Mag-uumagahan sa tapat ng beranda, hahayaan batiin ako ng mga ibon na naglalaro sa labas ng aking bintana, magpapa-araw, saka maliligo at muling mag-aasikaso ng mga pangangailangan ng kastilyong ito at ng mga nagtatrabaho rito.

Pero may nagpapasabik sa 'kin na bumangon at kumilos nang maaga dahil gusto ko na makita kung ano na ang ginagawa nung tatlong katulong sa loob aklatan.

Bago pa man ako pumunta sa opisina ko ay nagpasya akong dumaan doon. Balak ko rin kasing umalis ngayong tanghali para puntahan ang kweba at suriin ang miasma na bumabalot dito kaya naman gusto ko umalis ng walang inaalala.

"Himala at hindi ka tumulala sa labas ng beranda kanina, bakit ka namamadali?" Tanong ni Viggo sabay sara ng pinto at sunod sa 'kin sa paglalakad sa mahabang pasilyo.

"Aalis ako mamayang tanghali saka kailangan kong tignan kung buhay pa ba 'yung tatlo," biro ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya.

"Saan ka naman pupunta mamayang tanghali?" Tanong niya at napalingon ako sabay ngiti sa kaniya nang pilit dahil mukhang sesermunan niya na naman ako pag nalaman niyang muli akong babalik sa delikadong lugar na 'yun.

"Hmm.. babalikan 'yung kweba?" Patanong kong sagot ko sa kaniya dahil hindi ko sure kung tama ba na sabihin ko sa kaniya ang totoo at katulad ng inaasahan ko ay pinaningkitan niya ko ng mata at nakahanda na para sermunan ako pero agad ko siyang pinigilan at tumigil din sa paglalakad para harapin siya.

"Kailangan ko 'tong alamin Viggo, magtiwala ka sa 'kin at magagawa ko ng ayos 'to, kung gusto mo sumama ka sa 'kin pero hanggang sa labas ka lang ng gubat," sabi ko sa kaniya at wala naman siyang magawa dahil ito ang utos ko.

Wala na siya ibang na sabi pa at inis na lang na sumunod sa paglalakad ko hanggang sa makarating kami sa harap ng malaking pintuan ng library sa loob ng kastilyo.

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa 'kin ang malinis na lugar, halatang maaliwalas na rin ang buong silid aklatan at wala ka na talagang makikitang alikabok na lumilipad sa ere.

Nung nakaraan kasi pagpumasok ako sa loob ng lugar na 'to ay makikita mo ang makapal na alikabok sa pagpasok ng liwanag galing sa labas ng bintana.

Maamoy mo rin ang nakakabahing na hangin dahil dito pero ngayon presko at maaliwalas na ang silid.

Iginala ko ang mata ko sa paligid at naglakad sa mga book shelves na nasa loob, bawat madaanan ko ay hinahawakan ko at nakakapang malinis na ang mga ito.

Nang makarating ako sa pangalawang palapag ay nakita ko pa rin silang tatlo na nag-lilinis, parang mga limang shelves na lang ang hindi pa nila napupunasan at naayos.

Napatigil sila sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon ko nang makita nila akong nakatayo sa harap nila.

Sabay-sabay silang yumuko sa 'kin at binati ako. "Greeting my lady," bati nilang tatlo at pag-angat ng mga mukha nila ay halata sa mga mata nila ang kawalan ng tulog at antok.

Medyo tinamaan naman ako ng kunsensya dahil pakiramdam ko ay ilang minuto na lang ay babagsak na ang isa sa kanila dahil sa kapaguran kaya naman pinalakpak ko ng isang beses ang akong kamay at tumalikod na sa kanila.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now