♕CHAPTER 55♕

1.3K 30 3
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Tulala at hindi ko alam ang iisipin ko habang nasa loob ako ng karwahe na ito at dinadala sa kung saan lugar na hindi ko alam.

Buong akala ko ay mauungusan ko ang kapatid kong si Keisha sa mga planong binubuo niya ngunit hindi ko maisip na kaya niyang pumatay at kaya niyang itapon nang ganu'n-ganu'n na lang si Miranda.

Napapaisip tuloy ako na baka pumunta rin ang mga tauhan niya sa loob ng mansion at makita ang iniwan kong liham doon kay Viggo.

Wala akong nagawa para sa batang iyon, hindi ko alam na may malaking bagay na pala siyang pinapasan sa sarili niya. Hindi ko na kita kay Miranda ang ano mang senyales na nahihirapan siya pero bakit hindi ko na isip iyon nung makita ko ang mga marka ng tinta sa kamay niya o hindi kaya ang lagi niyang pagkabalisa.

Akala ko ay ibang bagay lang ang ginagawa niya at hindi pumasok sa isip ko na siya na pala ang mayang itinamin ni Kiesha sa loob ng border.

Nahilamos ko ang mukha ko sa sobrang frustration at hindi alam ang gagawin, para akong nakakulong na ibon sa loob ng hawla at walang magawa kung hindi umiyak at humiling ng pagmamakaawa.

Pero hindi ako pinapakinggan ng mga utusan ni Kiesha, halatang malaki ang halaga na nakapatong sa ulo ko at baka hindi lang iyon ang dahilan, baka isa rin sila sa katulad ni Miranda na bino-block mail niya.

Napapitlag ako nang biglang tumigil ang karwahe, agad akong sumilip sa bintana at nakita ko ang lalaki na bumaba sa kinauupuan niya at ang kasama niya naman ay may kinuhang gamit.

Lumingon ako sa paligid at pinag-aralan kung na saan kami, mukhang nasa loob na kami ngayon ng Lumire ngunit an parte na ito ay medyo liblib pa.

Narinig ko ang mga yapak nila na umikot sa karwahe at maya-maya lang ay binuksan na ng isang lalaki ang pinto nito at agad akong hinila papalapit sa kaniya.

"Anong gagawin niyo!" Hiyaw at nagpupumiglas ako ngunit masyado siyang malakas at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa mga braso ko.

Pilit kong minumukhaan ang mga taong ito ngunit parehong may takip ang kanilang ilong at bibig gamit ng panyo.

"Dahan-dahan, pag nasugatan iyan patay tayo sa crown prince," rinig kong suway sa kaniya ng kaniyang kasamahan na talaga naman kinapintig ng tenga ko.

"Anong sabi mo? Ang crown prince ba ang nag-utos ninto?" Tanong ko at agad siyang sinaway ng lalaking may hawak sa 'kin.

"Tanga ka talaga! Napaka ingay ng bibig mo! Akin na nga 'yung tali!" Utos sa kaniya ng lalaking nakahawak sa akin at kakamot-kamot lang ito ng ulo na sumunod saka nila tinali nang mahigpit ang kamay ko sa aking likuran at tinakpan din ang bibig ko ng malinis na panyo.

"Buksan mo ang upuan, dalian mo at baka mamaya mahuli tayo," utos ng isa at agad naman binuhat ng lalaki ang kanina lang ay inuupuan ko at nakita ko ang isang compartment doon na kasyang-kasya ang isang tao.

"Dali, at dadaan na tayo sa bayan, hindi pwede makita ito ng mga kawal," utos niya at kahit magpumiglas ako ay hindi ko magawa dahil pati ang mga paa ko ay nakatali at ang bibig ko naman ay pinsakan pa nila ng tela sa loob upang hindi ako makapag-salita o makagawa ng kahit anong ingay.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon