♕CHAPTER 17♕

2.6K 89 6
                                    

CANA ANNALIS

Magandang musika at mga bulong-bulungan ang sumalubong sa pamilya namin sa pagpasok namin sa balwarte ng banquet hall.

Tahimik lang kami habang pinagmamasdan nila kaming maglakad papunta sa trono ng emperor kung saan doon sila nakaupo ni Diana at nag-iintay sa aming pagbati.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na skandalosa itong si Kiera at maraming umiikot na usapan sa pangalan niya, pero hindi ko akalain na dodoble pa ito matapos kong makuha ang pabor ng emperor sa mga kamay ko.

"We greet the emperor, the shinning sun of the empire and princess Diana, the shinning star of the empire," pagbibigay pugay ng Duke sa harap ng emperor at ni Diana at sabay-sabay kami na lumuhod sa harap nila, tanda ng paggalang at pagpapasakop sa kanila.

"Greetings House Romulus, masaya akong nakadalo kayo sa pagtitipon na 'to para sa aking prinsesa, nawa'y maging masaya kayo sa kasiyahan ngayong gabi," sagot ng emperor at sabay-sabay rin naming inangat ang aming mga ulo sa kanilang harapan.

"Yes your majesty," sagot namin sa harap niya.

"Lady Kiera!" napukaw ang atensyon ko o sabihin na na'ting atensyon naming lahat matapos akong tawagin ni Diana at mabilis na bumaba sa kinauupuan niya.

Halos panganga ako sa ginawa niya dahil iniwan niya ang emperor sa kanilang pwesto para lang batiin ako ng personal at dahil doon pinamugaran na agad kami ng mga tingin galing sa kaniyang mga bisita.

"Diana, nakakaloka ka iniwan mo ang emperor sa trono niyo," bulong ko sa kaniya at natawa naman siya sabay iling at bulong din sa 'kin.

"Hindi pa kayo dumarating ay naipagpaalam ko na ito sa aking lolo at pumayag siya kaya wag ka mag-alala," sagot niya sa 'kin sabay sukbit ng kaniyang braso sa braso ko at hila sa 'kin papasok ng palasyo.

"Oh my, iiwan ba ng prinsesa ang emperor mag-isa para lang samahan si lady Kiera? Hindi ba't sa kaniya ang party na 'to?" Rinig kong bulungan na nagpatigil samin sa paglalakad.

"Parang hindi magandang ideya 'to Diana, hindi ba tayo pwede mag-usap na lang dito?" Tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa mga taong pinagbubulungan kami, tila ba sa ilang linggo niyang pagtira sa palasyo ay natuto na siyang lumaban sa mga pamanghusgang tingin na ginagawa nila samin ngayon.

"Wala akong pakialam sa kanila, alam naman ng emperor ang totoo saka sasaglit lang naman tayo," malakas niyang sabi na sakto lang para marinig ng mga taong nakatingin sa 'min at sabay hila ulit sa 'kin papasok sa ibang parte ng palasyo habang naiwan ang mga aristocrats doon na hindi nakasagot sa kaniyang sinabi.

"Kamusta ka naman? Ilang linggo na kita hindi nakakausap lady Kiera, alam mo bang ang lungkot ko rito kung wala o abala ang emperor," sabi niya at para bang naipon lahat ng mga gusto niyang ikwento sa 'kin ngayon na dahilan nang kadaldalan niya.

"Hahaha ayos naman ako, marami lang ding nangyari sa 'kin na hindi ko magawang magpadala sayo ng liham," sagot ko sa kaniya at umiling lang siya, dinala niya ko sa open garden ng palasyo kung saan kitang-kita namin ang bilog na buwan at ramdam ang malamig na ihip ng hangin.

"Ako rin hindi madalas makapagpadala ng liham at hindi rin magawang dalawin ka dahil na rin sa dami ng kailangan kong pag-aralan, minsan nga na isip ko na sana commoner na lang ulit ako dahil sa hirap ng mga ito," kwento niya sabay buntong hininga at upo sa isang bench na nasa gilid ng hardin.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon