♕CHAPTER 60♕

2K 52 3
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Malamig na mga kamay ang hawak-hawak ko, kahit anong gawin kong pagtapik sa kaniyang pisnge o pagtawag sa pangalan niya ay tila ba hindi ko na siya maabot at magigising pa.

Bakit lagi ka na lang lumalayo sa akin Cana? Bakit pakiramdam ko lagi mo kong iiwan?

"Cana, gising na, uuwi na tayo," iyan ang paulit-ulit kong binabanggit sa kaniya habang siya ay patuloy na nakapikit sa aking harapan.

Hindi humihinga at pawang natutulog lang, patuloy kong na raramdaman ang pagdaloy nang malapot niyang dugo sa aking braso at kamay.

Kahit anong pigil ko rito at pagtakip sa sugat niya ay wala na kong magawa, patuloy lang siyang nauubusan ng dugo sa aking harapan.

"Te-teka, dadalhin kita sa majiro kingdom baka sa-sakaling magamot ka nila roon, oo tama doon gagaling ka pa," bulong ko sa kaniya at parang masisiraan na ng ulo dahil sa mga nakikta kong eksena sa aking harapan.

Binuhat ko siya sa bising ko at nangangatog na lumakad papalyo sa magulong lugar na ito.

"Sa-saglit lang mahal ko, pupunta na tayo," nangangatog ang boses ko habang pilit kong nilalakasan ang loob ko para sa kaniya.

Alam ko ayaw ni Cana ng ganito kagulong lugar, gusto niya nang tahimik 'yung makakapagpahinga siya at makakapagbasa ng mga paborito niyang libro.

Kaya kahit hirap na hriap ako maglakad at halos nangangatog na ang mga tuhod ko ay pilit akong naglakad papalayo sa madugong labanan na ito.

Ngunit bago pa ko makalayo ay pinigilan ako ng lalaking dahilan bakit ako natagalan sa pagpunta sa kaniyang piling, tinititigan ko siya habang nakatayo siya sa aking harapan hawak-hawka ang kaniyang espada at duguan.

Napuruhan ko siya kanina at alam kong nasa limitasyon na rin siya ng kaniyang katawan, alam kong ilang minuto lang ay bibigay na rin siya sa sakit na kaniyang natamo mula sa akin.

"Tumabi ka sa dadaanan namin, ihahantid ko na si Cana sa majiro para makapagpahinga na siya," tugon ko sa kaniya at walang buhay na tinignan ang crown prince habang kitang-kita ko ang pagtulo ng luha niya sa kaniyang mga mata.

"Ikaw ang dahilan ninto! Ikaw ang pumatay kay Kiera!" Hiyaw niya sa harapan ko at napatawa ako saka ako tumingala para pigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa mata ko.

Nanginginig ang lalamunan ko, ayokong makarinig ng mga nagay na katulad ninto, isang malaking kalokohan dahil andito pa siya sa tabi ko, alam kong magiging ayos pa siya at muli kong makakasama katulad ng lumipas na taon ko sa piling niya.

"Pinatay? Sino? Nahihimbing lang siya at dadalhin ko siya sa malayo kung saan hindi mo na siya makikita," sagot ko at itinutok niya ang espada niya sa aking harapan.

"Bitawan mo ang katawan ni Kiera, ako ang maglilibing sa empress ko!" Sigaw niya at nakakatulig ito sa pandinig ko.

Ano bang pinagsasabi niyang ililibing? Hindi niya ba nakikita na mahimbing lang ang tulog ni Cana sa bisig ko? Dahil narito na ako kaya nakapagpahinga na siya.

"Kung ayaw mong mamatay ay wag mong sayangin ang oras ko, masyado na kong madaming oras na naubos sa 'yo," sagot ko at patuloy na naglakad at nilagpasan siya saka ko na ramdaman ang pagtusok ng espada sa tagiliran ko.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon