♕CHAPTER 6♕

3.2K 123 4
                                    

CANA ANNALIS

Ang kilala ng lahat na maamong mukha, malalambing na ngiti at ang mga bilugan nitong mata na halos manlalambot daw ang puso mo pag ika'y tinitigan ay ngayon siyang kabaliktaran matapos kong kumatok sa kaniyang kwarto at tumingin sa kaniya nang diretsyo.

"Magandang umaga aking kapatid, lady Keisha," bati ko sa kaniya na may kahalong pagkasarkastiko dahil sino bang gaganda ang umaga kung inaangilan ka kaagad ng kapatid mo?

"Bakit ka narito? Anong kailangan mo?" Mataray na sagot sa 'kin ni Keisha at hello, kahit hindi kami buong magkapatid ay mas matanda pa rin ako sa kaniya ng dalawang taon kaya dapat matuto siyang gumalang sa 'kin.

Napailing na lang ako sabay huntong hininga at halukipkip (cross arm) sa harap niya, "hindi mo ba na tatandaan ang sabi ni papa kagabi? Kailangan mo raw ako pahiramin ng magarbo mong damit para ngayong araw," sagot ko sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako sabay taas ng isa niyang kilay para magtaray.

"Tingin mo ipapahiram ko sayo ang mga damit ko? Edi naging marumi na 'to at makati katulad niyong dalawa ng nanay mo," sagot niya sa 'kin nang pabulong dahil sa nakatingin sa 'min lahat ng katulong na humahanga sa kaniya, mahirap na baka masira pa ang magandang image niya sa harap nila.

"So ayaw mo ko pahiramin?" Maikli kong tanong at direktang nakatingin sa kaniya habang nakataas din ang isang kilay ko sa harap niya, syempre hindi tayo papatalo dahil sino bang hindi mapipikon kung sabihan kang madumi at makati? Idamay pa ang nanay mo?

"Oo bingi ka ba para hindi marinig ang sinabi ko?" Tanong niya sa 'kin at halos manginig ang kamao ko habang nagpipigil na hablutin ang buhok niya.

"Aba't!" Sasagutin ko pa sana siya para sa rebat pero ang bruha! Sinarhan na agad ako ng pinto.

Halos masabunutan ko ang buhok ko sa inis habang patago akong pinagtatawanan ng mga katulong na kampi sa bruha kong kapatid.

Sige lang, pagtawanan niyo lang ako dahil hindi na ako ang Kiera Dedamia na kilala niyo, makuha ko lang ang loob ng emperor at ng Duke, humada talaga kayo.

Tinignan ko bawat katulong na nakatingin sa 'kin at patago akong pinagbubulungan, kitang-kita rin sa mga mata nila ang pangungutya at nais akong pagtawanan, hindi nila alam ay tinatandaan ko na bawat mukha nila dahil pag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon ay isa-isa ko silang tatanggalin sa mansyon na 'to.

Porque prostitute ang aking ina at galing kaming dalawa sa kahirapan ay ginaganito na nila kami? Aba, na una lang naman pakasalana ng Duke ang nanay ni Kiesha ngunit mas na una niyang na gustuhan ang aking ina kaya nga tinago niya kami sa tunay niyang asawa at anak saka lang pinakilala nung namatay na ang kaniyang asawa.

"Tsk, ang gulo ng pamilya na 'to, idagdag pa ang mga tsimosang katulong," bulong ko sa aking sarili at naglakad na pabalik sa kwarto ko, nakasalubong ko ang isang katulong na pamilyar sa 'kin, siya si Krista 'yung katulong na tumulong sa 'kin ligpitan ang kwarto ko.

"Greetings my lady," bati niya sa 'kin nang makasalubong niya ko sa pasilyo at agad na yumuko sa harapan ko para magbigay ng paggalang.

Sa totoo lang siya lang ang katulong na gumagalang sa 'kin sa loob ng mansion na 'to, kaya agad ko siyang tinawag at agad naman din siyang lumingon.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon