♕CHAPTER 28♕

2.1K 66 4
                                    

VIGGO

♕♕♕

Sa malamig na simentong aking hinihigaan, maiingay na kalsada na puno ng mga karwahe at taong dumadaan. Nakalahad ang kamay ko sa kung sino mang may mabuting loob na magbibigay sa 'kin ng kakaunting halaga para ipangkain.

Ilang araw na kong nasa kalsada at puno ng sugat ang katawan matapos akong mahuli ng tindihan na pinag-nakawan ko ng tinapay. Isa na kong ulila at palaboy sa daan, walang kakilala at nabubuhay na lang sa pagnanakaw o sa panglilimos.

Pero tingin ko ngayon araw na 'to ay ang huling araw ko na rin sa buhay na 'to, dahil sa lumipas na apat na araw ay tanging tubig ulan lang ang laman ng aking tiyan at unti-tunit na kong pinapanawan ng ulirat dahil sa gutom.

Napasalampak ako sa sahig habang nakatingin sa langit na makulimlim, nagbabadya na naman ang malakas na ulan at wala na naman akong masisilungan.

Pagpatak ng ulan ay pinikit ko na rin ang aking mata, iniintay na lang lamigin ang buong katawan ko dahil sa gutom at lamig ng ulan.

Sa lakas ng buhos nito ay rinig na rinig ko ang pagtakbo ng bawat tao sa paligid at ang pagtama ng ulan sa simento pero ang pinagtataka ko ay bakit tila hindi nababasa ang mukha ko ng tubig kaya naman marahan kong minulat ang aking mata at tinignan ang isang lalaking may gintong mata at itim na itim na buhok, may hawak siyang payong habang nakatayo sa unahan ko at pinapayungan ako.

"Wala ka na bang mapupuntahan? Gusto mo bang sumama sa 'kin hijo?" Tanong niya sa 'kin pero masyado na kong nanlalambot para sagutin iyon kaya tumango na lang ako sa kaniya saka niya ko inalalayan tumayo at isakay sa loob ng karwahe niya.

Hindi ko alam na iyong araw na iyon na ang huling araw na magiging mortal ako at magkakaroon ng mahirap na buhay bilang batang pulubi.

Sa araw na 'yun ay nakilala ko ang master ko, si Duke Conrad Ordoñez isang kilalang Duke sa Moonvault Empire.

Kinupkop niya ko at pinalaki na parang sarili niyang anak, mag-isa lang siya sa kaniyang buhay at tanging kasama ay ang mga katulong na kaniya ring kinupkop at kinuha sa daan.

Noon, nagtataka pa ko bakit tila iisa ang kulay ng mga mata ng taong nasa loob ng kaniyang mansyon, pero habang tumatagal ako sa loob ng puder niya ay nauungkat ko rin ang lihim na kaniyang tinatago.

Hindi normal na tao ang Duke, isa siyang nilalang na nabubuhay sa dugo ng mga tao at tinanggap ko iyon nang walang halong pang-uusig o ano pa man.

Dahil para sa 'kin mas ituturing pa siyang tao na may puso kesa sa ibang walang ginawa kung hindi lagpasan ako sa daan at yurakan.

Dahil sa pagiging masunurin at mapagkakatiwalaan niyang tauhan ay binigay sa 'kin ng Duke ang tiwala niya at pati na rin ang mga sikreto niya at ng iba pang tauhan niya sa loob ng mansion.

Hanggang sa sumapit na ako sa aking ika-siyam na taong gulang at nag-agaw buhay dahil sa isang malubhang karamdaman at ang tanging paraan lang na alam ng Duke para mailigtas ako ay gawin akong katulad nila na buong puso ko naman tinanggap.

Naging isa akong bampira sa edad na siyam at sinubukan kontrolin ang uhaw ko sa dugo habang nag-eensayo rin sa pagiging butler ko para mapaglingukuran nang ayos sa abot ng kakayahan ko ang nilalang na nagbigay sa 'kin ng pangalawang tyansa mabuhay.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon