♕CHAPTER 49♕

1.5K 42 1
                                    

VIGGO

♕♕♕

Hindi ko maiwasan mapatitig sa kaniya habang naglalakad siya palabas ng kastilyo at nakasuot ng isang simpleng bestida at malaking bilog na sumblero na tumatakip sa mga mata niya.

Nakatirintas ang mahaba niyang tyokolateng buhok at simple lang ang ayos ng kolorete niya sa mukha.

Bawat hakbang niya papalapit sa 'kin ay parang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko, gusto ko na agad siyang salubungin ng halik pero maraming tao sa paligid na dahilan bakit pumipirme ako sa kinatatayuan ko.

"Handa na ang lahat?" Tanong niya pagkadating niya sa harapan ko at binigyan ako nang matamis na ngiti.

"Ayos na, wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ko sa kaniya at inayos niya ang sumblero niya saka tinaas ito nang bahagya para makita ang aking mukha.

"Hmm saglit, mayroon ata wait check ko," saad niya sabay kalkal ng bulsya niya sa kaniyang bistida at patuloy na hinahanap ang bagay na na iwan niya.

"Hala!" Bulalas niya kaya nagtaka naman ako.

"Bakit? Ano ba ang na iwan mo?" Tanong ko sa kaniya at bigla niyang binunot ang kamay niya sa bulsa niya at pinakita sa 'kin ang isang hugis puso gamit ang kaniyang daliri.

"Puso ko, ibibigay ko sa 'yo," sabi niya sabay suksuk ng daliri niya sa pocket chest ng polo ko at nagkunwari na inilagay doon ang puso niya sabay kindat sa 'kin kaya hindi ko maiwasan takpan ang bibig ko dahil alam kong ngumingiti na naman ako ng parang tanga sa harap niya.

"Pinag-gagawa mo?" Tanong ko habang hindi mapigilan ang pagtakas ng mga ngiti ko sa labi at bigla lang siyang natawa at hinampas ako.

"Kinilig ka naman? Wahaha," pang-aasar niya kaya napailing na lang ako sabay kamot sa batok ko dahil ang hilig niyang mang-asar.

"Hoy! Sama ako!" Sabay kaming napalingon kay Achlys na humahabol sa aming pag-alis.

"Hindi pwede!" Agad kong awat sa kaniya at tinignan ang pananamit niya, naka bath robe pa siya at halatang hinahabol kami sa aming gala ngayon.

"Bakit hindi? Intayin niyo ko magbibihis ako!" Sabi niya at agad akong umiling.

"Hindi nga pwede, gala naming dalawa ito ni lady Kiera kaya pwede ba wag ka muna umepal?" Tanong ko sa kaniya at agad siyang umakto na nagmamaktol na parnag batang hindi isasama ng kaniyang ina sa plaza.

"Bakit! Bakit kayo lang? Ano ba 'yang date-date na 'yan? Gusto ko sumama!" Reklamo niya at sabay kaming umiling ni Cana bilang sagot sa kaniya.

"Kailangan ng magbabantay sa kastilyo hanggat wala kami, uuwian na lang kita ng masarap na pasalubong," sagot naman sa kaniya ni Cana at agad na siyang sumimangot.

"Tsk, wag na nga! Maggagala na lang din ako mag-isa," sagot niya at agad siyang pinigilan ni Cana.

"At saan ka naman pupunta?" Tanong nito at umirap lang sa kaniya si Achlys.

"Maghahanap ako ng sasakupin kong lupain para makapagpatayo ng sarili kong empire tsk, para doon hindi na ko kailangan utusan at ako ang mag-uutos," sagot niya sa 'min at pareho na kang kami nagkatinginan ni Cana.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon