♕CHAPTER 53♕

1.3K 37 4
                                    

CANA ANNALIS

♕♕♕

Dinala ako ni Viggo sa isang pamilyar na lugar kung saan walang ibang nakakakilala sa 'min at malayo sa mga gulo mula sa Romulus Estate.

Ibinaba niya ko sa beranda matapos ang halos apat na oras naming paglalakbay papuntang Moonvault empire at ngayon ay nasa luman at abandonadong manor kami ng kaniyang namayapang master noon na si Duke Conrad.

"Hindi nila tayo mahahabol rito," sagot niya at nakatingina lang ako sa mga paa ko, nakayuko at hindi alam ang sasabihin.

"Bago sila makarating sa lugar na ito ay kailangan nilang gumugol ng mahigit tatlong araw kaya hindi ka nila agad mahahabol dito," saad niya muli at pinagpag ang isang kutson na puno ng alikabok, binuksan niya lahat ng bintana sa lugar at naghanap ng malinis na sapin na matagal nang nakatago sa mga lumang aparador.

"Pagpasensyahan mo na Cana, dito kita dinala at medyo madumi ang lugar pero hayaan mo maglilinis ako bukas," saad niya at wala akong nagawa kung hindi tumango.

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang dalawang balikat ko sabay silip sa mukha kong nakatungo sa harap niya.

"Gusto mo ba pumunta sa Summer Grave?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Pagod ka na, tinakbo mo lang ang layo na ito na dapat ay tatlong araw ang byahe, kailangan mo magpahinga," saad ko sa kaniya at halata sa mukha niya ang pag-aalala sa 'kin.

"Pero baka hindi ka komportable rito?" Tanong niya at umiling ako saka ko hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Mas komportable ito kumpara sa malamig na rehas na nagkukulong sa 'kin sa dungeon," sagot ko sa kaniya at kinuha niya naman ang kamay ko saka ito hinalikan.

"Patawarin mo ko kung nangyari pa sa 'yo ang bagay na iyon, wala ako sa tabi mo at hindi man lang kita na protektahan," saad niya at umiling naman ako saka siya niyakap.

"Wala kang kasalanan Viggo, kung meron man dapat sisishin ay iyon ang kapatid kong si Keisha," sagot ko at inaya niya ko maupo sa isang lumang sofa.

"Ikwento mo sa 'kin ang nangyari, titignan ko kung makakahingi ako ng tulong sa crown princess," saad niya at tumango naman ako saka ko pinaliwanag sa kaniya lahat ng mga nangyari kanina sa manor.

Simula sa mga balitang nakuha ko, sa paglipat ng kayaman ng Duke sa akin hanggang sa pag-inum niya ng tsaa at pag frame-up sa 'kin ni Keisha.

Lahat ng mga pangyayari at mga iniisip ko ay kinuwento ko sa kaniya, lahat ng takot at pag-aalala ko ay sinabi ko sa kaniya at siya ay tahimik lang akong dinadamayan at pinapakinggan.

"Grabe, pano niya na gawa iyon sa sarili niyang ama?" Tanong ni Viggo sa harap ko at ito rin naman ang tanong na umiikot sa isipan ko.

"Kailangan magising ang duke para masabi niya ang katotohanan, sa ganung paraan magiging ayos ang lahat kaso pano mangyayari iyon? Tingin mo ba kayang gamutin ng mga doktor ang duke?" Tanong ko at napaisip naman si Viggo.

"May na iisip akong paraan pero kailangan kitang iwan dito para magawa iyon," sagot niya at tumango naman ako.

"Ayos lang naman ako kung iiwan mo ko rito," sagot ko pero parang hindi ayos sa kaniya ang bagay na 'yun.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon