♕CHAPTER 19♕

2.9K 88 8
                                    

CANA ANNALIS

Habang naglalakad ako sa kinatatayuan ng lalaki at pilit na nakikiusisa sa ano ang nangyayari ay unti-unti kong nakikita ang nakakagimbal na pangyayari sa harapan nilang lahat.

Isang pugot na ulo na may dilaw na buhok ang nasa paanan ng emperor, nakadilat ang mga mata ninto at nakabukas ang labi na halos magkulay ube na. Nagkalat ang iilang talsik ng dugo sa marble na sahig ng banquet hall at lahat ng mga taong nakapaligid sa pangyayari ay hindi maiwasan na mapaiwas ng tingin o lumayo sa pangyayari.

"Anong kaguluhan 'tong sinisimulan mo prince Ean?" Tanong ng emperor at napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat sa aking na laman.

Siya ba si Ean Hendrix Eckheart? Ang crown prince ng emperyo na dapat ay magmamana ng titulo bilang emperor?

Sa pagkakaalam ko ay pinsan makalawa siya ni Diana at apo rin siya ng emperor sa kaniyang pamangkin, noong wala pa si Diana ay siya ang tinaguriang magmamana ng trono dahil sa wala naman mas malapit na blood line ang maaring makapagmana ninto kung hindi ang prinsepe.

Sa pagkakatanda ko rin ay pinadala siya ng emperor sa labanan at inutusan kunin ang ulo ng kalaban at halos ginugul na ng prinsepe ang kaniyang buhay sa gera ng mahigit tatlong taon, ang hindi niya alam at ng karamihan ay pinatapon siya sa labanan ng emperor dahil sa nakatanggap ito ng balita na posibleng buhay nga ang nag iisa niyang apong si Diana at nais niyang walang makapagmana ng trono kung hindi ang apo niyang babae.

Dahil dito ay namuo ang galit niya sa emperor at kay Diana, siya rin ang main Villain sa loob ng story na siyang magpapahirap nang maige kay Diana.

"Kaguluhan? Dinala ko lang naman ang regalo ko sa inyong harapan, ito ba ang isasalubong niyo sa 'kin matapos kong ipanalo ang gera sa lumipas na tatlong taon ko sa labanan?" Tanong niya sa emperor na hindi naman ninto sinagot.

Tahimik ang lahat sa banquet at napukaw ang mata niya sa kinaroroonan ni Diana na ngayon ay pababa na rin sa tabi ng emperor.

"Greetings prince Ean Hendrix," bati niya at pagbibigay pugay rito, tinignan siya ng binata mula ulo hanggang paa at bigla na lang na tawa nang mapansin ang suot na tiara ni Diana.

Ang tiara na nagsasabi na siya ang prinsesa na magmamana ng trono nang susunod na Empress sa Lumire Empire.

"Kalokohan ba ang lahat ng 'to?" Tanong niya at bigla na lang hinablot ang braso ni Diana na kinagulat ng lahat, mabilis na pinalibutan ng mga kawal ang binata na siyang humahawak sa palapulsuhan ng prinsesa ng emperyo.

"Ean, bitawan mo si Diana," utos ng emperor at hindi naman ito pinakinggan ng lalaki at patuloy na minamata ang prinsesa.

Kitang-kita ko naman ang takot sa mata ni Diana lalo na't alam niya kung anong kayang gawin ng lalaking nasa harapan niya, hindi lingid sa kaalaman naming lahat ng nasa loob ng banquet hall na 'to ang maaari niyang gawin kay Diana, lalo na't kitang-kita rin namin ang pugot na ulo sa paanan ng emperor at prinsesa.

"Sa kaniya niyo ba ibibigay ang trono? Sa tunay niyong apo?" Tanong niya sa emperor na hindi na alam ang gagawin dahil sa gulong dulot ng sarili niya rin namang apo.

Hindi makapagsalita ang emperor, halata sa mukha niya ang pagkabigla dahil nakabalik pa ang binata matapos niyang ipatapon ito sa gera.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now