♕CHAPTER 15♕

2.8K 87 6
                                    

CANA ANNALIS

Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ang gwapo at kilalang knight na si sir Grimm, nakasuot siya ng yuniporme niya puti na may tatak at emblem ng isang royal knight, mukhang nag-iikot-ikot sa plaza para romonda nang makita niya ko rito.

Kita ko sa mukha niya ang pagtataka at 'yung makapal niyang kilay ay ngayon ay nagsasalubong na dahil kay Viggo.

Para akong nakakita ng aso't pusa na nagkasalubong sa daan, pareho silang nakaangil sa isa't isa at para bang ilang segundo lang ay mag-aaway na.

Pero ang nagpapabilis talaga sa tibok ng dibdib ko ay kung pano niya na laman ang tungkol sa pagkatao ni Viggo na maingat naming tinatago sa iba.

"Hindi mo ba alam na delikado ang kasama mo?" Tanong niya at biglang hinila ang braso ko upang mapatayo at mailayo niya ako kay Viggo pero agad naman hinablot ni Viggo ang kabilang braso ko dahilan para pag-agawan nila akong dalawa.

"Te-teka sir Grimm, kilala ko ang lalaking 'to," sagot at awat ko sa kaniya ngunit kada tumatagal ang tingin niya kay Viggo ay lalong humihigpit ang kapit niya sa braso ko.

"Aray," singhap ko na kinaalarma naman ni Viggo at napatayo na siya sa kinauupuan niya saka ako malakas na hinila sa pagkakahawak ni sir Grimm at tinago sa likuran niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa master ko?" Inis na tanong ni Viggo at kumunot naman ang noo ni sir Grimm sa tanong na 'yun.

"Master? Butler mo ba ang lalaking 'to? Alam mo ba kung anong uring halimaw ang lalaking 'to?" Tanong niya sa 'kin na talagang nagbigay takot sa buong sistema ko, hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya o kung anong reaksyon ba ang gagawin ko.

Nagtago lang ako sa likod ni Viggo na parang isang duwag na kunehong nakakita ng isang malaking asong lobo.

"Oo alam niya, at sino ka ba?" Tanong ni Viggo at nakita ko naman ang paghawak ni sir Grimm sa hawakan ng espada niyang nakalagay sa gilid ng kaniyang bewang tila ba ilang segundo lang ay magsisimula na ang madugong awayan sa pagitan nila.

Doon nagsimula nang manlamig ang palad ko, alam kong malaking komusyon ito kung magkataon kaya naman nilakasan ko ang loob ko at ako na mismo ang nakipag-usap sa kaniya.

"Teka lang sir Grimm, kilala ko si Viggo at ako mismo ang bumili sa kaniya sa underground auction," sagot ko na kaniyang kinabigla, halata ang pagkalito sa mukha niya at tumingin sa 'kin nang nagtataka.

"Alam mong bampira siya? Alam mong pwede ka niyang patayin sa ano mang oras at kunin ang dugo mo?" Tanong niya at tumango ako, ngayon si Viggo naman ang nasa likuran ko at pinapakalma ko.

"Bakit ba kailangan mo magpaliwanag sa asong lobo na 'yan?" Tanong naman ni Viggo na kinalingon ko, para akong nabingi sa sinabi niya saka inikling ang ulo sa harapan niya at pinakita ang takang-taka kong pagmumukha.

"Ha? Ano?" Windang kong tanong sa kaniya at tinuro niya si sir Grimm at inangilan ito.

"Sabi ko iyang asong lobo na 'yan," sabi niya at halos umikot ang isip ko sa mga impormasyon na binabato nilang sa 'king dalawa.

Malaking tanong na sa utak ko kung pano na laman ni sir Grimm na bampira si Viggo pero bigla naman itong sinagot ni Viggo sa harapan ko.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now