♕CHAPTER 20♕

2.6K 74 17
                                    

CANA ANNALIS

Nang marinig ko ang mga katagang iyon, lahat ng memorya ni Kiera kasama ang crown prince ay pumasok sa isipan ko.

'Yung unang pagkikita nila sa hunting ground nung mga bata pa sila, 'yung mga pag-uusap nila at pagkakaunawaan dahil sa kanilang pamilya, 'yung mga liham na linggo-linggo dumarating sa kaniya sa academy.

At 'yung pangako ng crown prince nung aalis siya para pumasok sa gera, lahat ng 'yung na aalala ko na at lahat nang nararamdaman ni Kiera ng mga panahon na 'yun ay nararamdaman ko na rin.

Ang lalaking ito ay may malaking paghanga kay Kiera, siya ang nag-iisang lalaki na matagal nang sinusuyo si Kiera pero hindi niya ito gusto at tinuturing lang kaibigan dahil patay na patay si Kiera kay sir Grimm.

Napatulala ako nang lahat ng memoryang iyon ay pumasok sa isipin ko na parang rumaragasang ilog.

"Tinupad ko ang pangako ko, bumalik ako sa piling mo," sabi niya sa 'kin sabay hawak sa dalawang pisnge ko at binigyan ako nang mga pilyo niyang ngiti.

Napailing ako at mabilis na tinggal ang mga kamay niya sa mukha ko, mabilis rin akong humakbang palayo sa kaniya na kinabaliktad ng mga ngiting iyon.

'Yung malambing niyang mga mata kanina na nakatingin sa 'kin ay napalitan ng matatapang na tingin. Nagsimulang umakyat ang takot ko katulad ng takot ko kanina nung makita ko ang pugot na ulong dala niya sa loob ng banquet hall.

"Hindi ka ba masaya na makita ako?" Tanong niya at napalunok ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa harapan niya.

"Bakit ba lagi kang mailap sa 'kin Kiera?" Tanong niya at sa pag-urong ko ay tumama na ang aking likuran sa pader dahilan para ma-corner niya ko.

"Hi-hindi naman sa ganu'n, hindi lang ako makapaniwala na nakauwi ka na, masyadong mabilis ang mga pangyayari," palusot ko pero kalahati roon ay totoo dahil sino bang hindi mawiwindang kung masyadong mabilis ang mga kaganapan.

"Akala ko dahil sa narinig mo 'yung sinabi ko sa harap ni Diana kanina, nagbibiro lang naman ako sa intra family marriage, wag mong seryosohin dahil ikaw pa rin ang babae para sa'kin," sabi niya na talaga namang kinataas ng balahibo ko.

Gusto kong sumigaw o gusto ko siyang sampalin sa mukha para lang makaalis sa harap niya pero alam kong wala akong laban dahil kitang-kita ko kung gano niya kahigpit na hinawakan si Diana kanina na tila ba may balak na siyang baliin ang braso ninto.

"Wa-wala akong pakialam sa mga sinasabi mo, gawin mo ang gusto mo," sagot ko sa kaniya at nakita ko kaagad siyang napangisi at nasuklay ang gigintuan niyang buhok sabay tawa.

"Hahaha, pakipot ka pa rin talaga. Kaya kita na gustuhan dahil ikaw lang ang babaeng nagpapahirap sa 'kin nang ganito," sagot niya at inilihis ko lang ang tingin ko sa kaniya.

"Kung wala ka nang iba pang sasabihin, pwede bang umalis ka na sa harapan ko at kailangan ko pang puntahan si Diana," sagot ko sa kaniya at nagpatapang na tinulak siya para makadaan ako at makaalis sa bisig niya.

"Huh? Ito na ba ang bagong teknik mo ngayon Kiera? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kay Diana?" Tanong niya at hindi ko na lang siya pinansin at dare-daretyso naglakad sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon