♕CHAPTER 23♕

2.5K 71 3
                                    

CANA ANNALIS

Habang naglalakad papunta sa pribadong lugar ay hindi ko maiwasan magtaka sa ginagawang bangayan ni Diana at Viggo.

Todo kapit sa 'kin si Diana habang ito naman si Viggo ay parang nais akong ilayo sa kaniya, samantalang ang crown prince naman ay panay ang tanong sa 'kin sa kung anu-anong bagay na hindi ko na masundan.

Bakit parang iba na 'yung impression na binibigay ng mga characters na 'to kesa sa pagkakakilala ko sa kanila mula sa libro.

Parang kagabi lang hind mo maiisip na pwede silang pagsamahing tatlo sa iisang lugar pero ngayon ito sila na para bang walang nangyaring gulo.

Nakakapagtaka lang na pati si Diana at si Hendrix ay hindi nagkakailangan, hindi ba't galit si Hendrix kay Diana? Hindi ba't siya ang kontrabida sa storya at dapat ay hindi sila magkakasundong dalawa?

"Diana, ayos lang ba kayo ng crown prince? Kamusta ang braso mo?" Bulong ko sa kaniya habang abala ang crown prince sa paglalakad sa harapan namin at pagkukwento tungkol sa sarili niya.

Pinakita niya ang braso niya sa 'kin na may benda at nakakagalaw naman ng ayos kaya nakahinga naman ako ng ayos. Akala ko kasi ay nabali na 'to sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng crown prince.

"Ayos naman ang braso ko, na mula lang naman 'to at walang bali," sagot niya at muling bumulong.

"Pinag-usapan na namin kanina sa meeting ang tungkol sa nangyari kagabi, humingi siya ng paumanhin at hindi ko rin alam bakit bigla na lang nagbago ang turing niya sa 'kin," sagot ni Diana at miske ako nagtataka sa kung anong pinaplano o iniisip ng crown prince.

"As in wala siyang hininging kapalit sa pagbaba niya sa trono bilang crown prince" Tanong ko at napataas naman ang kilay ni Diana sabay iling.

"Wala naman siyang sinabing bababa siya sa kaniyang titulo, may mga usapan lang na kailangan pag-usapan sa pagitan ng imperial family, pasensya ka na Kiera at hindi ko pwede sabihin sa 'yo," bulong niya at tumango ako dahil nauunawan ko naman ang mga bagay na katulad n'un pero kailangan kong malaman kung ano 'tong plano ng crown prince dahil alam ko kung ano ang kaya niyang gawin.

"Narito na tayo," sabi ng crown prince at napatingin naman ako sa lugar na aming pinuntahan, isa siyang indoor garden na may malaking fountain sa gitna at lamesa sa tabi ninto.

Maraming katulong ang naghanda ng mauupan namin at mga kakainin, na mangha ako sa magandang lugar na 'to at hindi makapaniwala na nakikita ko ang isang sikat na lugar sa history.

Ito ang emerald garden, pinakasikat na hardin sa loob ng emperial palace, lagi ko ito nakikita sa mga history books noong nasa university ako at dahil sa hindi ko na naabutan ang lugar na 'to ay sa mga libro ko na lang ito pinagmamasdan.

Karamihan kasi ng mga historical place sa Lumire Empire kasama na ang mga palasyo ay nasira sa nangyaring gera sa mga susunod pang taon, nagtangka kasi ang Verine Empire na sakupin ito dahil sa mayayamang minahan na rito lamang makukuha sa Lumire, pero na talo sila at natigil ang digmaan ngunit nagkaroon ng mahabang hindi pagkakaintindihan sa mga lumipas na taon.

Ngayon sa panahon ko ay maganda na ang pakikipagtungo ng dalawang nasyon, wala na rin maaaring sumiklab na gera dahil sa pantay-pantay na ang tingin ng bawat isa.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon