♕CHAPTER 22♕

2.6K 70 5
                                    

CANA ANNALIS

Pawang hiyaan at ilangan ang nararamdaman naming dalawa ni Viggo ngayong umaga pagtapos namin mag-usap kagabi. Hindi kami magkatinginang dalawa at parang mga tanga na hindi maharap ang isa't isa.

"A-ang ganda ng araw ngayon no?" Panimula ko ng pag-uusap sa pagitan namin pero nung tumingala ako para makita ang magandang araw na tinutukoy ko ay puno ng ulap ang kalangitan.

Na saan ang magandang araw na sinasabi mo Kiera? Nakakahiya ka, halatang gusto mo lang makausap siya.

"Ta-tam ka, maganda nga ang araw," sagot naman ni Viggo at napalingon ako sa kaniya, seryoso ba siyang sasakyan niya 'yung katangahan kong iyon? Kung maganda ang araw edi na sunog na siya ngayon, akala ko ako lang 'tong parang tanga siya rin pala.

"Oh my, lady Kiera?" Tanong ng isang binibini na hindi ko naman kilala, may mahaba at straight siyang brown na buhok na hanggang bewang at brown ding mata, maganda siya at mapustura pero halata sa mga tingin niya na hindi maganda ang kalooban niya.

"Greeting lady?" Tanong ko at napataas ang isang kilay niya na para bang kasalanan kung hindi ko matandaan ang pangalan niya.

"Lady Jade Bacon, mula sa Goldton Empire," sagot niya at biglang pumasok ang memorya ko sa babaeng 'to, tanda ko na! Isa siyang anak ng Viscount at may ari ng minahan sa Goldton, mukhang dumalaw sila rito para makilala ang bagong prinsesa ng Lumire at mukhang hindi lang siya ang galing sa ibang emperyo kung hindi karamihan din ng mga bisitang dumalo sa kasiyahan na 'to.

"Greeting lady Jade, mukhang lalo kang gumaganda," pang-uuto ko sa kaniya dahil ayokong magsimula ng kahit ano mang gulo ngayon umaga.

"Ahaha! Ikaw naman, alam ko naman 'yun," sagot niya at napatawa na lang ako nang pilit sa sagot niya sabay hampas niya sa braso ko nang hindi naman ganong kalakasan.

"Oh ito ba 'yung sinasabi nilang gwapong escort mo kagabi?" Tanong niya sa 'kin habang nakatingin kay Viggo pero nagkakamali siya, si Grimm ang escort ko na dapat ay kasama ko sa buong araw ko sa imperial palace pero hindi ko alam kung na saan siya ngasuot pero mukhang wala na ko doon kung nasaan man siya.

"Ahaha hindi, actually butler ko siya," sagot ko sa kaniya at napatakip naman siya ng pamaypay sa kaniyang bibig at tinignan si Viggo mula ulo hanggang paa sabay lapit sa 'kin at bulong.

"Saan mo siya nakuha? Kalaro mo ba siya? Uso raw ang kalaro sa Lumire empire," bulong niya sa 'kin at parang inosenteng tsimosa na hindi alam ang sinasabi niya.

Halata sa mukha niya na hindi niya pa na raranasan 'yung kalaro na tinutukoy niya at mukhang curious lang siya rito.

"Hindi, butler ko lang talaga siya at hindi papayag ang aking ama na magkaroon ako ng karanasan sa ganoon ng hindi ko asawa ang aking kasama," sagot ko sa kaniya at sinipat niya ulit si Viggo ng tingin sabay bulong ulit sa 'kin.

"Talaga ba? Pero umiikot na ngayon sa high society ang pagtigil ng crown prince sa silid mo kagabi hanggang ala una ng madaling araw, anong sabi ng Duke tungkol doon?" Tanong niya na halata mong maintriga at naghahanap lang ng butas para maliitin ako at mapaikot sa dila niya.

"Ah 'yung pinag-usapan namin ng crown prince? Hahahaa tungkol iyon sa pagpugot niya sa bawat taong dinudungisan ang pangalan niya, na kwento niya nga sa 'kin na pinatay niya raw ang anak ng Viscount sa karatig emperyo dahil sa hindi sinasadyang pagdura ninto sa sapatos niya," pananakot ko sa kaniya, well totoo naman 'yung kinukwento ko dahil tanda kong nakwento sa 'kin ni Hendrix iyon nung pinapadalhan niya pa ng liham si Kiera sa Academy.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon