♕EPILOGUE♕

3.5K 115 28
                                    



Isang babaeng may mahabang buhok na kulay brown ang nakatayo sa harapan ko, may berde siyanv mga mata na kakulay ng isang dyamante na tinatawag nilang emerald.

Nakangiti siya sa harapan ko habang nakasuot ng isang puting bistida at walang ano mang pang yapak sa kaniyang paa.

Lumingat ako sa buong paligid, pansin kong hindi ko nakikita ang mga kamay ko o ano mang parte ng katawan ko. Tila ba nakalutang ako sa hangin at tanging paningin ko lang ang nagagamit ko sa lugar na ito na binabalot ng walang hanggang kadiliman.

"Cana," tawag niya sa pangalan ko at muli akong bumalik ng tingin sa babaeng sobrang ganda, may malambing siyang ngiti at mapupungay na mata.

"Tinuruan mo ko maging masaya," muli niyang sabi sa akin at pakiramdam ko ay unti-unti kong nagagamit ang boses ko pero wala pa rin akong masabi sa harapan niya.

Nakita ko siyang lumapit sa akin nang bahagya at nilagay ang dalawnag kamay niya sa kaniyang likuran na tila ba nahihiya sa aking harapan.

"Sobra akong nagpapasalamat dahil tinuruan mo ko magmahal ng totoo, na ramdaman kong mahalin at na ramdaman ko rin magmahal dahil sa 'yo," sagot niya at tumingin sa kaniyang gilid saka biglang nagbago ang buong paligid.

Binalot ng kulay asul na kalangitan ang paligid kasabay ng mga puting ulap na nagkalat sa langit.

Ang kaniyang talampakan ay nakayapak sa walang hanggang tubig na nagmimistulang salamin sa asul na kalangitan na nasa buong paligid.

"Gusto ko magpasalamat sa 'yo dahil kahit sa maikling panahon na iyon ay natutunan ko maging masaya," muling sabi at muling humakba papalapit sa akin.

"Natutunan ko magpatawad," muli niyang sagot at muling humakbang sa harapan ko.

"At natutunan kong tanggapin ang sarili ko," dagdag niya saka niya hinawakan ang mga kamay ko na akala ko kanina ay wala sa paningin ko.

Nang maramdaman ko ang mga mainit niyang palad sa kamay ko ay muli kong nakita ang sarili ko.

Nakita ko ang mahaba at itim kong buhok, ang aking katawan na nakasuot ng puting damit at ang mga kamay ko na hawak-hawak ng babaeng nasa harapan ko.

"Alam kong iniisip mo kung sino ako, sa totoo lang, ako ay ikaw," sagot niya at saka ko lang na pagtanto na may pagkakahawig ako sa babaeng ito, sadyang iba lang ang kulay ng aming mga mata at buhok, ang aming pananamit at kilos ngunit hindi ko maitatanggi na ako ay siya.

"Salamat sa pagligtas mo sa akin sa kadiliman Cana, tatanawin kong utang na loob to kahit saan ako magpunta pagtapos ng usapan na ito, pero alam kong pupunta ako sa lugar na kung saan magiging tahimik at masaya ako," sagot niya at hindi ko naman maiwasan ngumiti.

Hindi ko alam bakit yung puso ko sobrang saya nang marinig ang sinabi niyang iyon, na tila ba nagawa ko ang misyon nankailangan kong gawin.

"Walang anuman," at sa wakas ay nasagot ko rin siya saka ko nakita ang pagpatak ng luha niya dahil sa kasiyahan at mahigpit akong niyakap.

"Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pangalang tyansa Cana, babaunin ko lahat ng memorya na kasama ka, ikaw na parte ng pagkatao ko," sagot niya at humiwalay sa pagkakayakap naming dalawa at marahan na binitawan ang aking kamay.

Dahan-dahan ko siyang nakikitang naglalaho sa paningin ko at nang habulin ko siya ng aking kamay ay hindi ko na mahawakan pa ang kaniyang katawan.

"Teka! Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya at muli kong nakita ang pagngiti niya sa harapan ko sabay bulong ng pangalan niya.

"Kiera," at sa huling pagbukas ng kaniyang bibig ay tuluyan na siyang naglaho sa aking paningin at parang naging mga alitaptap na tinatangay ng hangin.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now