♕CHAPTER 12♕

2.9K 99 1
                                    

CANA ANNALIS


"Ganyan ka ba kasabik na magkaroon ng sarili mong kastilyo na hindi ka na mapaimpot sa kinauupuan mo?" Tanong ni Viggo na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng aking silid.

"Eh, sa hindi ako makapaniwala na ipagkakatiwala sa 'kin ng Duke ang lupain na 'yun," sagot ko sa kaniya at tumingin sa mapa na nakalatag sa ibabaw ng table ko sa loob ng aking silid.

"Sige bahala ka," maikli niyang sagot sabay higa sa sofa ko na nasa loob ng aking silid, para bang naghahanda na para matulog nang mahimbing.

"Huy! Seryoso ka ba na dito ka matutulog?" Tanong ko sa kaniya at minulat niya ang isa niyang mata sabay tingin sa 'kin.

"Saan ako matutulog kung ganun?" Tanong niya at napaisip naman ako sabay lakad papunta sa kaniya at upo sa single sofa na nasa gilid niya.

"Wala bang paraan para mabuhay ka pag wala ako sa tabi mo? Hindi naman pwede na lagi talaga kita makakasama," tanong ko sa kaniya at muli niyang pinikit ang kaniyang mata habang nakasandal ang ulo niya sa dalawang braso niya na nagmimistulang unan niya.

"Makakaya ko lang pagsobrang dami na ng dugong na inum ko galing sayo," sagot niya saka ko lang na naalala na kakaunti lang ang nakuha niya sa 'kin nung gabi iyong.

Hindi pa rin ako makaniwala na may vampire slave na ko na napapasunod ko sa aking kamay, masyadong mabilis ang mga pangyayari at hinahayaan ko na lang na dalhin ako ninto.

Sa totoo lang nahihiya pa rin ako sa lalaking nasa harapan ko, hindi pa rin ako nasasanay sa maganda niyang mukha na araw-araw ko nang makikita simula ngayon.

Hindi pa rin pumapasok sa utak ko na nakakabangayan ko siya at 'yung nangyari kanina sa training ground kung pano niya ibalibag ang heneral ng Romulus.

Sobrang bilis na hindi ko na alam ang mararamdaman ko, ang dami pang mga nangyari na halos hindi na ko makasunod.

"Oh bakit ka natahimik?" Tanong niya sabay mulat ng mata at bangon sa pagkakahiga.

"Naisip ko lang na ang daming nangyari ngayon araw," sagot ko sa kaniya at napakamot siya sa ulo niya sabay hikab.

"Akala ko natahimik ka kasi iniisip mong bibigyan mo ulit ako ng dugo," sagot niya sa 'kin at umiling naman ako, alam ko naman ang responsibilidad ko bilang master niya.

"Hindi no, hindi naman ako natatakot na makagat mo o ano, kahit masakit sa una ay alam ko naman kailangan mo 'yun. Masyado lang talaga akong na-o-overwhelm ng mga pangyayari," sagot ko sa kaniya at humalukipkip siya sabay dikwatro ng upo.

"Sabagay, parang kanina nga lang umiiyak ka tapos ngayon ayos ka na," sagot niya sa 'kin at bahagya kong kinahiya dahil nakita niya kung pano ako umiyak, pero wala rin naman akong na 'yun sa 'kin dahil kahit umiyak ang mukha ni Kiera ay alam kong maganda pa rin siya.

"Hahaha katulad mo, parang kahapon natutulog ka lang tapos ngayon nakakausap na kita," sagot ko sa kaniya at napatahimik siya, umiwas siya nang tingin sa 'kin na tila ba ayaw pag-usapan ang tungkol sa pagkatao niya.

Sa totoo lang marami akong gustong tanungin tungkol kay Viggo, 'yung mga bagay na hindi ko alam at hindi nakasulat sa libro, gusto ko pa siya makilala pero hahayaan ko muna na unti-unti na lang namin makilala ang isa't isa.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon