Chapter 04

21.5K 631 87
                                    

MGA ilang oras din kaming nagtalo ni sir sa magiging kasuotan ko. Sa huli ay hinayaan na rin ako nitong isuot ang gusto ko dahil napansin nito na puro bestida ang dala kong gamit. Masaya naman ako sa nangyari dahil maisusuot ko ang damit na gusto ko at kung saan ako komportable. Napangiti ako ng malawak.

Napabuntong-hininga si sir Tristan no'ng tumayo ako sa harapan nito. Nakaupo ito ngayon sa sofa habang nakade-kwatro ang mga paa at pinagmamasdan ang kabuuan ko. Nakasuot ako ngayon ng medyo hapit na bestida sa katawan.

Napakunot ang noo ni sir lalo na no'ng bumaba ang paningin nito sa mga paa ko na may suot na heels. Hindi makapaniwala na muling tumingin sa akin si sir. Ngumiti naman ako dito ng ubod ng tamis bago iwinagay-way sa harapan nito ang hawak kong basahan. Ang balak ko kasing unang gawin ay ang maglampaso ng sahig.

"Maglilinis na ako sir? Pwede na po ba magsimula?" Nakangiting tanong ko pa dito. Kumunot naman ang noo nito dahilan para mawala ang ngiti ko. Ano na naman bang problema nito ni sir?

"How can you do your work with that freaking dress and heels? Tsk! You are really unbelievable!" Masungit na tanong nito sa akin.

Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nito. Nagiging alien na naman yata ito. Narinig ko pa ang pag-asik nito sa akin.

"Paano ka magtatrabaho ng ganyan ang suot mo?" Tanong ulit nito sa akin na ikinangiti ko. Mabuti nalang at bumalik ito sa pagiging tao.

"Madali lang sir. Ganito o" Masiglang sagot ko kay sir na agad inilihis paitaas ang suot kong bestida at walang kahirap-hirap na basta nalang sumalampak sa sahig para simulan ang paglalampaso.

"What the hell are you doing? A-and w-why you just wearing panty inside your f-freaking dress?" Gulat na reaksiyon ni sir na ikinatingin ko dito. Napansin ko na halos hindi ito makatingin sa akin at namumula rin ang mga pisngi nito. Naguluhan ako bigla sa naging reaksiyon nito. Panty? "Cross your legs damn woman!"

"Huh?" inosente at naguguluhang tanong ko pa dito. Alien na naman kasi ito. Ano bang sinasabi nito?

"Huwag kang bumukaka! The heck!" sigaw ni sir na ikinataranta ko bigla.

Napatingin ako sa mga hita ko at doon ko lang nalaman na nakalimutan ko palang magsuot ng maikling short bilang pandoble sa suot kong pang-ilalim. Napamulaga ako at agad na itinikom ang mga hita ko. Naihagis ko rin kay sir ang hawak kong basahan dahil sa sobrang gulat.

"Waahh! Ang manyak mo sir! Pinagnanasahan mo ako!" Sigaw ko bago nagmamadaling tumayo at inayos ang suot kong bestida.

Hindi makapaniwala na tumingin sa akin si sir. Nakita ko pa na namula ulit ang mukha nito no'ng mapatingin ito sa parteng ibaba ko. Namula rin ang pisngi ko dahil sa ginawa nito. Agad kong tinakpan ng aking mga kamay ang parteng ibaba ko.

"A-ang m-manyak mo, sir" Nauutal pa na suway ko kay sir. Sumama naman bigla ang tingin nito sa akin.

"What? A-ako manyak? Tsk! How about you? Nagpapamanyak?" Seryosong tanong sa akin ni sir na ikinamulaga ng mga mata ko.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon