Chapter 26

14.6K 398 21
                                    

KANINA pa pabalik-balik si sir Tristan dito sa aking kwarto habang hawak nito ang cellphone dahil panay tawag dito sa secretary nito. Bigla nalang kasi itong umalis sa opisina para dalhin ako sa hospital. Hindi ko tuloy maiwasan makonsensiya dahil madami itong naiwang trabaho para lang abyarin ako.

Nagsisisi na rin ako ngayon sa pagkain ko ng marami dahilan para magkaroon ako ng problema sa pagdudumi. Nahihiya rin ako sa nangyari kanina dahil sa paglalabas ko ng masamang hangin sa loob ng opisina nito. Napakagat-labi ako.

Muli kong pinagmasdan si sir na ngayon ay pabalik-balik pa rin sa paglalakad habang nakakunot ang noo. Nakakaramdam nanga ako ng pagkahilo dahil doon.

"Do something about that. I can't really go, because I have more important thing to do" Hindi nawawala ang kunot sa noo na wika ni sir sa kabilang linya. Napabuntong-hininga pa ito matapos ang tawag.

"May iba ka bang gagawing importante, sir?" Tanong ko dito.

Napatingin ito sa akin at napangiti. Lumapit ito sa akin para ayusin ang kumot na bumabalot sa akin. Hindi muna ako nito hinayaang kumilos matapos ang nangyari kanina lalo na't nanghihina pa rin ako at pakiramdam ko ay lalagnatin pa ako. Siguro dahil sa pagod nitong mga nakaraang araw. Ang malas ko ngayong araw!

"I need to take care of you. You need me here" sagot nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Ano ka ba, sir? Ginagawa mo naman akong bata e! Kaya ko ang sarili ko kaya huwag kanang mag-alala diyan. Umalis kana dahil mukang kailangan ka ngayon ng kompanya" Nakangiting wika ko naman dito na hinawakan pa ang pisngi nito.

Kinuha naman nito ang kamay kong humawak sa pisngi ko para laruin iyon sa palad nito. Pakiramdam ko ay ayaw nitong umalis sa tabi ko dahilan para mapangiti ako ng malawak. "Ayos lang ako, sir" Dagdag ko pa. Nagpakawala naman ito ng isang malalim na hininga.

"Are you sure?" Paninigurado pa nito sa akin. Tumango-tango naman ako habang nakangiti. Natutuwa ako sa pagiging maalaga nito kahit pa puro kahihiyan ang nagagawa ko para dito. Ang suwerte ko!

"Alis na, sir" Pagtataboy ko dito. Napabuntong-hininga naman ito at napipilitang tumayo.

"Ok, just take care of yourself. Nandito ang gamot if you need some-----" Tumigil ito sa pagsasalita para damhin ang noo ko. Napansin siguro nito ang pamumutla ko. Napakunot-noo pa ito. "Damn! You have a fever. Do you want me to take you in the hospital?" Nag-aalala na tanong pa nito sa akin. Napabuntong-hininga ako at sinamaan ito ng tingin.

"Ayoko, kagagaling lang natin do'n sir e, saka umalis kana" Pagtataboy ko ulit dito.

Sinamaan ako nito ng tingin pero nilabanan ko iyon kaya sa huli ay napabuntong-hininga nalang ito.

"Fine! I'll back here quickly" wika pa nito na nagsimula nang maglakad palabas ng aking kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"I forgot something" Biglang bungad ni sir Tristan sa pintuan na bahagya ko pang ikinagulat. Ang buong akala ko kasi ay nakaalis na ito. Natigilan pa ako ng mabilis ako nitong hinalikan sa labi. "I love you" wika pa nito bago muling lumabas ng aking kwarto.

Naiwan naman ako nitong natitigilan. Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng aking pisngi.

Nang makaalis si sir ay agad akong nagtalukbong ng kumot para matulog. Nagsisimula pa lamang pumikit ang mata ko no'ng maramdaman ko ang pag-angat ko mula sa kama.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon