Chapter 09

17K 508 18
                                    

NAKABUSANGOT na ang mukha ko habang sumusunod kay sir Tristan. Kung kanina ay nakaramdam ako ng tuwa matapos nitong bilhin ang mga damit na gusto ko, ngayon ay naiinis na ako dito dahil ginawa ako nitong alalay. Sobrang bigat na ng mga dala ko ngayon at anumang oras ay babagsak na iyon. Naiinis ako kay sir Tristan dahil kung ano-anong binibili nito at pagkatapos ay itatambak sa akin.

"Sir?" Agaw pansin ko kay sir na ngayon ay nasa unahan ko at patuloy na naglalakad. Hindi manlang ako nito pinansin. "Hoy sir! Tulungan mo naman ako dito" Sigaw ko na dito para lang agawin ang atensiyon nito.

Napasimangot nalang ako no'ng hindi pa rin ako nito pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Mga ilang segundo palang ang lumilipas no'ng mapansin ko na malayo na si sir kaya naman sinubukan ko nalang ito habulin. Nagmamadali akong lumakad palapit dito pero hindi pa man ako nakakalapit ay bigla naman akong natapilok dahilan para mabitawan ko ang mga dala ko.

"TRISTAN!" Inis na sigaw ko kay sir Tristan dahilan para mapalingon ito gano'n din ang ibang tao sa mall.

Napakagat-labi ako dahil sa kahihiyan. Napansin ko naman na nakakunot-noo si sir. Ngumiti ako dito ng ubod ng tamis.

"What the? Tristan? Tsk! Don't make scandals here, woman" Baling sa akin ni sir Tristan. Ngumiti lang ako dito. "What the hell happened with that stuffs? Bakit nasa lapag 'yang pinamili natin?" Dagdag pa ni sir no'ng mapansin nito na nasa lapag na ang mga dala ko kanina.

"Patulong, sir. Ang dami mo kaya pinamili sir tapos naka-heels pa ako kaya nahulog" simpleng sagot ko kay sir habang nakangiti.

Napansin ko na lalo pang kumunot ang noo ni sir. Napasuklay pa ang mga daliri nito sa buhok nito dahil sa inis.

"And that is because of your stupidness, woman. I don't order you to wear that freaking heels of yours. Tsk! Saan bang planeta galing ka, babae?" Tanong pa sa akin ni sir Tristan. Napaisip naman ako ng malalim at napangiti ng matamis pagkatapos.

"Sa planeta mo, sir" Sagot ko naman dito. Umiwas bigla ng tingin sa akin si sir. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o sadyang ngumiti si sir. "N-ngumiti ka, sir? Kinilig ka sa sinabi ko?" May panunukso sa tinig na tanong ko pa dito. Ang sabi kasi sa akin ni lola Guada ay gano'n daw kiligin ang mga lalaki, madalas ay palihim na ngumingiti. Sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Tss ang daldal! Let's go. I'll take these" wika lang nito bago pinulot ang mga nahulog na gamit sa sahig at ito na ang nagdala. Nagsimula na ulit itong maglakad palayo sa akin.

Hahakbang na rin sana ako para sumunod dito no'ng makaramdam ako ng pananakit sa paa resulta siguro ng pagkakatapilok ko kanina.

"Sir?" Tawag ko kay sir Tristan na noon ay hindi pa masyado nakakalayo sa akin. Agad naman ako nitong nilingon.

"What?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa akin.

"Ang hirap maglakad, sir. Ang sakit ng paa ko dahil-----"

"That's your fault. Tsk!" Putol nito sa sinasabi ko bago ako muling tinalikuran. Napasimangot nalang ako. Ang sama ng ugali!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon