Chapter 20

16.9K 411 39
                                    

ILANG araw na rin ang lumipas noong halikan ako ni sir Tristan pero hanggang ngayon ay malinaw pa rin iyon sa aking isipan. Hindi ko lubos maisip kung bakit nito iyon ginawa. Ano ba ang gustong kumpirmahin ni sir Tristan sa akin?

Paulit-ulit kong ipinilig ang aking ulo para alisin sa aking isipin ang halik ni sir na parating bumabalik sa aking ala-ala. Gusto kong kalimutan ang nangyari at kumilos na parang walang nangyari pero sa tuwing nakikita ko si sir ay napapatingin ako sa labi nito dahilan para bumalik ang halik na pinagsaluhan namin. Yay! Tumigil kana Jessica!

"Wala ka bang trabaho, beks?"

"Ay kabayong pangit!" Gulat na reaksiyon ko dahil sa isang boses galing sa aking likuran na bigla nalang nagsalita. Napalingon ako kay Calex.

"Kabayong pangit talaga, beks? Ang sama mo huh!" Nakairap na reaksiyon naman nito sa akin.

Nginitian ko nalang ito bilang paumanhin. Inirapan pa muna ako nito bago nito ibinigay sa akin ang dala nitong kape. Umupo kami sa naroong upuan at sinimulang ininom ang tinimpla nito.

Sa mga nakalipas na araw ay parati akong tumatambay dito sa may terrace ng bahay ni Calex tuwing umaga para hintayin ang pag-alis ni sir Tristan. Sinusubukan ko talaga na iwasan ito para kalimutan ang nangyari.

"Bakit ba lagi ka nakatambay dito, beks? Kung alam ko lang na ganyan kadali maging maid, sana nag-maid nalang din ako" wika pa ni Calex pero hindi ko ito pinansin dahil pasimple akong tumitingin sa bahay ni sir Tristan para alamin kung nakaalis na ba ito. Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Calex na para bang naiinis na ito sa akin. "Deadma, gurl? May iniiwasan ka ba diyan sa bahay ng amo mo? Who? Si Fafa Tristan ba? What happened? Care to tell me? Share share, beks" sunod-sunod na tanong pa nito.

"Hinalikan niya ako" wala sa sarili na sagot ko dito.

Napansin ko na paalis na si sir Tristan dahil papunta na ito ngayon sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Napangiti ako.

"Huwwaaaat? Hinalikan ka ni Fafa Tristan?" Gulat na reaksiyon ni Calex pero hindi ko na ito pinansin dahil tumayo na ako para umalis.

"Salamat sa kape, beks. Gora na ako! Back to work na. Babush!" Nagmamadaling paalam ko pa dito bago patakbong bumaba ng terrace. Hindi ko na hinintay ang reaksiyon nito.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ni sir Tristan ay dahan-dahan pa akong pumasok ng gate. Nang tuluyan na akong makapasok ay napangiti ako. Lumingon ako sa may gate para sana isara iyon pero nagulat ako no'ng makita ko na nakatayo roon si sir habang nakatitig sa akin.

"S-sir k-kayo pala" Kinakabahan na bungad ko dito. Binigyan ko ito ng isang pilit na ngiti. Kumunot naman ang noo nito. "B-bakit po pala kayo bumalik, sir?" Usisa ko pa dito. Nagsimula naman itong lumapit sa akin kaya lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Napalunok-laway ako.

"Are you avoiding me?" Baritonong boses na tanong nito sa akin. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha ko kaya nakaramdam ako bigla ng pagkailang. Tumawa akong pilit para alisin ang tensiyon na namamagitan sa amin.

"Huh? Hahaha! Sige sir, trabaho na po ako" Paalam ko kay sir bago nagmamadaling pumunta ng aking kwarto para doon magkulong.

Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong nagpakawala ng isang malalim na hininga. Noon ko lang napagtanto na sobra na pala ang pagpipigil ko ng aking hininga.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon