Chapter 22

14.7K 380 16
                                    

Jessica

PINAGMASDAN ko ang buong kusina kung saan huli kaming nagkausap ni Sebastian kagabi. Napabuntong-hininga ako ng maramdaman ko ang katahimikan na bumabalot sa kapaligiran. Pakiramdam ko nga ay mabibingi na ako dahil doon. Nakakalungkot isipin na umalis na si Sebastian at wala nang tutulong sa akin para matuto. Naguguluhan din ako sa bigla nitong pag-alis. May problema ba ito? 

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago nagsimulang maglakad palapit sa isang kabinet na siya ko ngayong lilinisin. Ang kabinet na tinutukoy ko ay ang kabinet na nasa ilalim ng lababo kung saan inilalagay ang mga kasangkapan sa pagluluto na hindi naman nagagamit.

Nang mabuksan ko ang kabinet ay agad kong sinimulang linisin ang mga gamit doon. Napatigil ako sa aking ginagawa ng mapansin ko ang isang ipis na ngayon ay nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako dahil para itong nakikipag-usap sa akin. Inilapit ko pa ang mukha ko dito para makita ito ng malapitan.

"Gusto mo bang sabihin sa akin na huwag kitang patayin, little cockroach? Huwag kang mag-alala, mabait naman ako eh kaya hindi kita papa--------WAAAAAHHHH!" Gulat na reaksiyon ko no'ng bigla nalang lumipad sa mukha ko iyong ipis. Mabilis akong tumayo at natatarantang pinagpag ang mukha ko. "Waaaahhhhhh umalis ka! Umalis ka!" Natataranta na sigaw ko habang hinahanap ang ipis na lumipad sa mukha ko.

Nang makita ko na nahulog na sa sahig iyong ipis ay galit na kumuha ako ng walis tambo at sinimulang habulin iyon para hambalusin.

"Papatayin kita! Papatayin kita! Walang hiya ka! Mabait pa naman sana ako sayo tapos traidor ka naman pala!" Galit na galit na sigaw ko habang hinahampas ng walis tambo iyong walang hiyang ipis. Nawala lang ang atensiyon ko sa ipis ng marinig ko ang isang boses mula sa aking likuran.

"W-what the hell happening here? I-is there intruders? W-where are they?" Natataranta at hinihingal na bungad sa akin ni sir Tristan na halos madapa pa pagpasok ng kusina.

Naiwan naman sa ere ang hawak kong walis tambo na nakaamba pa sa ipis na ngayon ay wala nang buhay. Natitigilan na nakatingin lang ako ngayon sa direksiyon ni sir Tristan.

Natawa ako bigla ng mapag-aralan kong mabuti ang itsura ngayon ni sir Tristan. Nakasuot na ito ng longsleeves pero hindi pa tapos ang pagkakabutones no'n at nakasuot pa lang ito ng boxer bilang pang-ibaba. Magulo pa ang buhok nito na halatang hindi pa nakakapagsuklay at ang mas nakakatawa ay may hawak pa itong flower vase na handa nitong ibato anumang oras.

Napakunot ang noo ni sir. Inilapag ko naman ang hawak kong walis tambo at pigil ang pagtawa na muli kong pinagmasdan si sir.

Napatingin si sir sa sahig kung saan naroon ang ipis na wala na ngayong buhay. Napamaang ito at hindi makapaniwala na muling tumingin sa akin. Nagkibit-balikat naman ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

"S-so only cockroach? No intruders?" Tanong pa nito sa akin. Agad naman akong tumango-tango bilang tugon. Ibinaba naman nito ang hawak na vase sa lamesa at napabuntong-hininga pagkatapos.  "Tsk! I'm too worried for nothing. Don't scream that much again, you'll give me heartache" dagdag pa nito.

"S-sorry, sir" hinging paumanhin ko naman dito.

Tumingin naman ito sa akin na para bang pinag-aaralan ang ekspresiyon ng mukha ko. Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang.

"Are you ok?" May pag-aalala sa boses na tanong pa sa akin ni sir.

Ngumiti naman ako dito bago tumango-tango. Agad akong yumuko pagkatapos para iwasan ang mga tingin sa akin ni sir. Napamulaga naman ako at naramdaman ang pamumula ng pisngi ng mapadako ang tingin ko sa pang-ibaba ni sir. Naalala ko bigla na nakaboxer nga lang pala ito. Natataranta na itinuro ng daliri ko ang pang-ibaba ni sir.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon