Chapter 17

15.5K 426 11
                                    

KINABUKASAN ay naabutan ko si Sebastian sa kusina. Napakunot-noo ako dahil sobrang agap nito. Hindi ako makapaniwala na mauunahan ako nitong gumising. Sanay kasi ako na ako ang nauuna gumising para maghanda ng agahan ni sir Tristan. Base sa itsura nito ngayon na pawisan ay mahahalata mo na kagagaling lang nito sa pag-eehersiyo. Agad kong nilapitan si Sebastian ng mapansin ko na bubuksan nito ang refrigerator.

"Malamig na tubig, sir" Agaw ko sa akmang pagkuha ni sir sa malamig na tubig na nasa refrigerator. Inabot naman nito agad ang ibinibigay ko ditong tubig. Natawa pa ito ng bahagya habang nakatingin sa akin.

"Thanks for the water. By the way, huwag mo na ako tawaging sir, miss Jessica. We are friends,right?" wika naman nito sa akin. Napalabi naman ako.

"Kung gano'n, huwag mo na rin ako tawaging miss Jessica"

"Then I will call you-----"

"JM" Putol ko sa pag-iisip nito. Napakunot-noo naman ito.

"JM?"

"Jess Maganda" Nakangiting sagot ko dito. Sandali itong natigilan bago natawa ng mahina.

"Haha ok! Jess Maganda" Natatawa pa rin na sang-ayon nito. Nagkatawanan kaming dalawa.

"Ehem!" Agaw atensiyon na pagpasok ni sir Tristan sa kusina. Agad na dumako ang masama nitong tingin sa akin. Ngumiti lang ako dito.

"Ang agap niyo sir a" wika ko pa dito na pinasadahan pa ito ng tingin. Napansin ko kasi na hindi pa ito nakabusiness attire katulad ng lagi kong napapansin sa tuwing lumalabas ito ng kwarto nito. Nakasuot lang ito ngayon ng simpleng puting T-shirt at short. Nanibago din ako dahil masyado itong maagap ngayon.

Hindi na ako pinansin ni sir dahil diretso na itong umupo sa naroong upuan kaya nama bumaling nalang ulit ako kay Sebastian. Nginitian ko ito kaya naman ngumiti rin ito sa akin pabalik.

"Gusto mo ba ng kape, Sebastian?" Tanong ko pa dito.

"Sure, gusto ko matikman ang timpla mo e" Nakangiti naman nitong sagot. Nagkatawanan pa kaming pareho ni Sebastian pagkatapos.

"Tsk! Stop talking nonsense" Nakaasik na suway sa amin ni sir Tristan.

Saglit ko itong binalingan pero nasa diyaryo nitong binabasa ang atensiyon nito habang nakakunot-noo. Iniiwas ko nalang ang tingin ko dito at sinimulan na ang pagtitimpla ng kape. Kumuha na rin ako ng isa pang mug para ipagtimpla na rin si sir ng kape nito.

"By the way JM, may boyfriend kana ba?" Biglang tanong ni Sebastian na ikinatigil ko sandali sa pagtitimpla ng kape. Agad ko rin namang ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng makabawi ako. Napangiti ako sa naging tanong nito.

"Wala/Meron!" Magkasabay pa naming sagot ni sir Tristan. Napatingin kaming pareho ni Sebastian dito. Napakunot-noo ako. May boyfriend ako? Sino?

Napatingin sa akin si Sebastian pagkatapos. Tiningnan ako nito na para bang gusto nitong malaman ang totoo mula sa akin. Nagsimula naman ako ditong lumapit para ibigay dito ang tinimpla kong kape.

"Talaga bang may boyfriend kana JM?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Sebastian habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa akin. Hindi ko rin alam kung tama bang may nahimigan ako ng lungkot sa boses nito.

"Wala ako-----"

"Calex. Siya ang boyfriend mo diba?" Putol ni sir sa sasabihin ko na ikinagulat ko.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon