Chapter 19

15.7K 483 41
                                    


Sebastian

NAPANGITI ako ng maabutan ko si Tristan sa may Terrace habang nakatayo at umiinom ng kape nito. Mukang wala ito ngayon balak pumasok sa opisina nito.

Nagsimula akong lumapit dito. Nawala ang pagkakangiti ko no'ng mapansin ko na may tinatanaw ito sa ibaba ng terrace. Napakunot-noo ako nang malaman ko na pinagmamasdan nito sa ibaba si Jessica habang nagdidilig ng mga halaman.

"Ehem!" Agaw-pansin ko dito. Walang emosiyon ang mukha na bumaling naman ito sa akin.

"What brought you here?" Tanong pa nito. Ngumiti ako bago tuluyang lumapit dito. Sinimulan ko ding pagmasdan si Jessica mula sa ibaba.

"For beautiful scenery" sagot ko dito habang nakangiti. Narinig ko naman ang pag-asik nito dahilan para matawa ako ng mahina. Sumeryoso din ako pagkatapos at muling pinakatitigan si Jessica mula sa ibaba. "I like her" Pag-amin ko.

Naramdaman ko na tumingin sa gawi ko si Tristan pero hindi ko ito pinansin. Narinig ko nalang ang pagbuntong-hininga nito.

"Why are you confessing your feelings for her to me?" Seryoso ang boses na tanong nito sa akin.

Tumingin ako dito at nakita ko ang pagkakakunot-noo nito. Natawa ako ng mahina. Muli akong tumingin sa kinaroroonan ni Jessica. No wonder!

Hindi ako magtataka kung bakit nagustuhan ko si Jessica sa simula palang kahit na sa mga pictures na ipinapakita lang sa akin ni Tita Trini ko ito unang nasilayan. Ang buong akala ko nga ay secretary ito ni Tristan at hindi katulong dahil sa pagiging sophisticated dito. I find her very interesting kaya naman pumayag agad ako kay tita ng makiusap ito sa akin na samahan ko muna ang anak nito. And find her more interesting ng pumunta ako sa palengke para mamili ng mga pwede kong dalhin sa pinsan ko at ng makita ko ito doon. I preferred public market because I can buy all I want with a low price. And I preferred public market more because of her.

"Because I have no chance to tell her---- because she likes you" Sagot ko dito na ibinulong nalang sa sarili ang huling mga salita. Napabuntong-hininga ako.

"So?" Balewalang tanong nito sa akin. Natawa naman akong lalo.

Is he numb or playing safe? Damn him!

"And I know that you like her too" sagot ko naman dito. Nagpakawala pa ako ng isang malalim na hininga. Napatingin sa akin si Tristan at napakunot-noo.

"Who the hell told you?" Inis na tanong nito sa akin. Natawa naman ako ng malakas bago ko ito pinakatitigan sa mga mata, tinapik ko pa ang kanan nitong balikat.

"No one told me. We are both man, bro, so I have an idea when guy is in love. And you e-even called her wife last night. Tsk!" sagot ko dito na ikinatahimik nito. Base sa reaksiyon nito ngayon ay may ideya ito kung ano ang nangyari kagabi.

Lihim akong napa-asik at tumawa ng pilit. "Is that how you cling with her, bro? Lupit mo a! You used your drunkenness to get close to her? How smart! Kung hindi kita kilala, iisipin ko na may asawa't anak kana base na rin sa sinabi mo kagabi, but I know you, I know how clingy you are with someone you love if you are drunk. But wife and babies? That's too much----"

"Stop talking too much" Putol nito sa sinasabi ko na para bang hindi na nito kayang marinig pa ang mga kakornihan nito. Natawa nalang ako.

Alam ko rin na hindi ito tuluyang nakakalimot kapag lasing ito at sadyang nagiging clingy ito kapag lasing kaya alam ko na sinadya nito iyong kagabi para mapalapit kay Jessica. Tsk! Ang hindi ko lang alam ay 'yung pag-iyak nito kagabi sa balikat ni Jessica. May problema ba ito?

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon