Chapter 11

15.8K 446 13
                                    

Tristan

NAKATANAW ako ngayon sa labas ng bintana ng aking opisina habang pina-iikot ang ballpen sa aking mga daliri. Napapabuntong-hininga ako sa tuwing pumapasok sa isip ko ang malungkot na mukha ni Ica nang basta nalang akong magpaalam dito.

Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko pa itong lingunin kanina bago ako tuluyang makalabas ng kusina. Hindi ko rin maiwasang isipin si Bianca dahil pakiramdam ko ay nagkakasala na ako dito. Damn!

"Mr. Guttierez?" Pukaw sa akin ng isang boses dahilan para bumalik ang aking diwa. Agad naman akong bumaling sa nagsalita.

"Yes Ms. Alvarez?" Tanong ko sa aking secretary. Ngumiti naman ito sa akin.

"You look occupied with someone Mr. Guttierez" May panunukso sa boses na sabi pa nito sa akin. Tumikhim naman ako para alisin ang bumura sa aking lalamunan.

"I don't give you permission to meddle with my personal things Ms. Alvarez" wika ko naman dito. Muka namang napahiya bigla ang aking secretary.

"I'm sorry, sir" Nakayukong paumanhin pa nito sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin.

"What brought you here, Ms. Alvarez?"

"Ay oo nga pala sir, it's time for conference meeting, sir" Inform nito sa akin.

Agad naman akong tumayo para lumabas na ng aking opisina at pumunta sa conference meeting na halos nakalimutan ko na dahil sa pag-iisip. Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos ng office hours ay agad akong umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na para bang gustong-gusto ko nang umuwi. What the hell happening to you Tristan Guttierez? Damn you!

Nang makarating ako sa bahay ay napakunot-noo ako dahil napansin ko na sobrang tahimik ng kabahayan. Where's Ica? Is she with that Calex again? Hays!

Nakapasok na ako sa loob ng bahay nang makahinga ako ng maayos. I really don't know what I feel and I don't have any idea how to deal with this feeling.

Napatitig ako kay Ica na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sofa habang nakanganga pa ang bibig nito. Napaasik pa ako no'ng mapansin ko ang mga hita nito na nakabukaka. Hindi ako makapaniwala na ganito ito matulog habang nakasuot ito ng palda. Nakalantad tuloy ang maputi at makinis nitong hita sa aking paningin. Hindi mahahalata sa kinis at puti ng balat nito na galing itong probinsiya. She really like goddess to me. Damn this woman!

Nag-iwas ako ng tingin kay Ica para pakalmahin ang aking sarili. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga pagkatapos.

Nang maramdaman ko ang aking pagkalma ay muli akong bumaling kay Ica at sinimulang ayusin ang pagkakahiga nito sa sofa. Natigilan pa ako nang mapatitig ako sa maganda nitong mukha. Bahagya pa akong umupo sa sahig para mapagmasdan pa 'yung lalo. Napaasik pa akong muli no'ng makita ko ang nakabuka pa rin nitong bibig. Tsk clumsy maid!

"Be thankful woman, because I'm not that pervert to take advantage of your innocence" I whispered and sighed. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta ng kusina.

Pagkarating sa kusina ay agad kong binuksan ang refrigerator para uminom sana ng malamig na tubig. Natigilan naman ako dahil napansin ko ang mga nilutong pagkain kanina ni Ica. Huminga ako ng malalim bago ko naisipang ilabas ang mga pagkain sa refrigerator at ilagay sa ibabaw ng lamesa. Pinagmasdan ko ang mga iyon pagkatapos.

Umupo ako sa isang upuan na naroon at sinimulang tikman ang mga nilutong pagkain ni Ica. Napabaling pa ako sa may sala kung nasaan si Ica kahit hindi ko naman ito makikita. Napangiti ako ng bahagya. She's good in cooking!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon