Chapter 03

22.5K 643 15
                                    

Jessica

PAGKATAPOS namin mag-usap ng magiging boss ko sa opisina nito ay nagulat ako no'ng bigla ako nitong higitin sa braso palabas ng opisina nito. Nagulat man sa ginawa nito ay hindi na ako nakaangal pa. Halos matapilok ako sa ginawa nitong pagkaladkad sa akin.

"Teka lang sir! Huwag ka naman po magmadali, wala naman humahabol sa atin e" Reklamo ko habang naglalakad ng mabilis at paika-ika dahil hawak nito ang braso ko. Hindi naman ako nito pinansin.

Bumaling ito sa secretary nito na nakasalubong namin na may hawak pang mga papel. Bigla itong tumigil sa paglalakad dahilan ng muntikan kong pagkasubsob sa likod nito. Mabuti nalang at nakontrol ko ang aking sarili. Lihim ko na ring ipinagpasalamat ang pagtigil nito dahil masakit na rin ang paa ko. Napabuntong-hininga ako dahil doon.

"O sir? Saan po kayo pupunta? Ibibigay ko na po sana itong mga papeles sa inyo" wika ng secretary nito habang nakatingin sa mga papel na hawak nito. 

"Send it to me via email" sabi nito sa secretary nito bago ako muling hinigit na ikinagulat ko. Muntik na naman tuloy akong mapasubsob. Ang sama ng lalaking ito!

"Ok, sir" Narinig ko pang sagot ng secretary nito. Hindi naman na ito pinansin ng boss nito na patuloy lang sa paghigit sa akin.

"Saan ba tayo pupunta, sir?" Hindi na nakatiis na tanong ko dito.

"Stop asking questions and just follow me" ano daw?

Hindi na ako umimik at nagpahigit nalang sa magiging boss ko. Hindi ko rin naman ito maiintindihan kung patuloy akong makikipag-usap dito dahil mukang alien ang salita nito. Magpapaturo nalang ako dito ng salita nito kapag may pagkakataon. Tama! Tama! Napangiti ako sa naisip. Ang talino ko talaga.

"Hi kuya Guard" Bati ko do'n sa nakabantay sa pinto na pinasukan ko dito kanina.

Nalaman ko na guard si kuya sa  building na ito dahil sinabi nito iyon akin kanina. Ang totoo ay nakipagtsismisan pa ako kay kuya kanina bago pumunta sa magiging boss ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa ala-alang iyon.

"Hi miss Jess Maganda" Balik-bati naman sa akin ni Kuya Guard habang nakangiti.

"Si kuya talaga masyadong ipinapangalandakan na sobrang ganda ko, alam ko naman 'yun e. Hahaha! Sinabi ko naman sa kanya na JM nalang itawag sa akin para hindi masyadong bulgar pero si kuya napakakulit" Kinikilig na bulong ko sa sarili.Nginitian ko si kuya ng ubod ng tamis.

"Salamat kuya pero JM nalang po sa susunod itawag n'yo sa akin huh? Nahihiya ako kapag lantad pagsasabi sa akin ng maganda e saka-----ay bastos!" Hindi ko na naituloy ang mga sasabihin ko dahil hinigit na naman ako ng magaling kong magiging boss. Bastos ito ah!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon