Chapter 01

41K 849 63
                                    


"Nay alis po muna ako" Paalam ko kay nanay habang inaayos ang suot kong bestida na hanggang tuhod ang tabas at may disenyo ng mga maliliit na bulaklak.

"O anak saan ka naman pupunta?" Tanong ni nanay na kagagaling lang kusina. May hawak pa nga itong sandok na malamang ay 'yun ang ginagamit nito sa pagluluto ng mga kakanin na itinitinda namin.

"Ahm d'yan lang po nay sa tabing ilog" sagot ko kay nanay habang sinusuklay naman ang mahaba kong buhok, pagkatapos ay nagpaikot-ikot ako para makita ang magandang bestida na aking suot. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.

"Ilog?!!" reaksyon ni nanay na ikinagulat ko.

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sa nanay ko na nakamulaga pa ang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa naging sagot ko.

"Oo nay, may problema po ba sa ilog? Makasigaw ka naman nay, parang matatanggal na tutuli ko e"

"E bakit ba kasi ganyang klase ng damit ang suot mong bata ka huh? Sa ilog lang naman ang punta mo.  Pwede namang mag-short ka nalang at simpleng t-shirt, saka ano ba 'yang suot mo sa paa huh? Baka matapilok ka lang n'yan. Saan ba 'yan galing?" Tanong sa akin ni nanay na tiningnan pa ang kabuuan ko.

"Nay naman hindi pa kayo nasanay sa akin, saka heels daw tawag dito sa suot ko sa paa. Wedge lang naman ito kaya hindi ako matatapilok. Sa amo daw po ito ng kaibigan ni lola Guada galing, do'n po sa Manila" Paliwag ko kay nanay na todo ngiti pa. Bigla naman nawalan ng imik si nanay. pagkatapos. Napakamot pa ito sa ulo pagkatapos.

"Hay nako, bahala ka ngang bata ka! Sige na basta mag-iingat ka" wika ni nanay na may pag-aalala.

Napangiti naman ako at bigla ay napansin ko ang mukha ni nanay na parang may nakakalat na mapula sa may labi nito. Napakunot-noo ako at napatitig lalo sa mukha nito. Agad naman umiwas ng tingin sa akin si nanay.

"Ano bang ginagawa mong bata ka huh? Bakit hindi ka pa umalis?" Pagtataboy sa akin ni Nanay na aktong maglalakad na pabalik sa kusina pero agad ko itong pinigilan sa braso. Agad kong iniharap sa akin si nanay at pinakatitigan ang labi nito.

"Nay, ano yang nasa labi mo? Nasugatan ka po ba?" kunot-noong tanong ko kay nanay. Mapula kasi masyado ang labi nito at may kalat-kalat pa. Sinubukang kumawala sa hawak ko si nanay pero hindi ko ito binitawan hangga't hindi ito nagsasalita.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon