Chapter 29

14.4K 370 12
                                    


PINAGMAMASDAN ako ni Bianca habang nagtitimpla ng juice para dito. Napapansin ko rin na kanina pa masama ang tingin nito sa akin na para bang gustong-gusto ako nitong saktan. Binalewala ko nalang iyon at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Lihim din akong dumadalangin na sana bumaba na ng kwarto nito si sir Tristan para mapaalis na nito ang ex-girlfriend nito. Tsk! Bakit ba kasi ang tagal magbihis ni sir?

"You really got him! How come? Did you flirt with him? Did you give yourself? Do sex here and there?" Basag ni Bianca sa katahimikan. Tumawa pa ito ng nakakainsulto.  Nakaramdam ako ng inis dahil sa paraan ng pagkakatanong nito sa akin. "Slut" Dagdag pa nito. Inilapag ko ang tinimpla kong juice sa harapan nito.

"Ito na ang juice mo, pakidagdagan nalang ng sugar para mawala ang bitterness" Hindi ko na napigilan ang magtaray dahil hindi ko na kaya tiisin ang masama nitong ugali. Nakaramdam pa ako ng insulto ng tumawa ito.

"And you have the guts to talk back with me" Nakaasik na wika nito sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin dahil hanggat maaari ay ayokong sumali sa anumang problema ng babaeng ito. "Do you really think that Tristan loves you?" Tanong pa nito. Napakunot-noo naman ako. Ano ba ang gusto nitong palabasin?

"Oo" sagot ko naman dito na sinalubong pa ang tingin nito. Umirap ito bago tiningnan ang kabuuan ko.

"No wonder. Maybe he likes you because you are beautiful and sophisticated. Wala ngang makakahula na isa ka lang namang hamak na maid" wika nito na labis na nakainsulto sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin pero natawa lang ito. "What if you are not beautiful? Sa tingin mo ba, magugustuhan ka ni Tristan? Ganda lang naman kasi ang meron ka, wala ka nito" dagdag pa nito na ituro ang ulo. Napakunot-noo naman ako.

"Meron din ako niyan" sagot ko naman dito na ituro rin ang aking ulo. Natawa naman ito ng malakas.

"Idiot! I mean, wala kang utak" May diin sa tinig na paglilinaw nito. Ako naman ang natawa ng mahina.

"Lahat naman ng tao may utak, diba?" Sagot ko na naman dito. Mukang nainis na ito sa akin dahil sinamaan na ako nito ng tingin.

"Are you insulting me? You are really uneducated, you know nothing" Inis na wika nito. Napangiti naman ako dahil nagagawa ko itong inisin.

"If being educated means to be worst like you, then I've rather choose to be uneducated" sagot ko naman dito na ikinamaang nito. Tumawa ito ng pilit para pakalmahin ang sarili.

"Hah! You really changed, but you are still useless for Tristan" wika nito na binigyan pa ako ng isang mahiwagang ngiti.

"Love?" Pukaw sa amin ng isang boses mula sa may pintuan ng kusina.

Napatingin kami ni Bianca kay sir Tristan na siyang nagsalita. Napakunot-noo pa ito bago lumapit sa akin.

"What's going on?" Tanong pa nito habang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Bianca.

"I have to go" Biglang paalam ni Bianca na nagsimula nang tumayo.

Nakaramdam pa ako ng inis no'ng lumapit ito kay sir at idinikit ang katawan sa boyfriend ko habang nakatingin sa akin na para bang iniinis talaga ako. Ngumiti ito bago inilapit ang bibig sa may tainga ni sir Tristan.

"Let's settle things, My Tristan" wika pa nito bago tuluyang lumayo at maglakad palabas ng kusina. Tiningnan ko naman ng masama si sir no'ng mawala na sa paningin namin si Bianca.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon