Chapter 28

14.2K 379 9
                                    


Jessica

KAGAGALING ko lang sa learning session ng makarating ako sa bahay ni sir Tristan. Naabutan ko pa si Calex na saktong papasok na ng gate ng bahay nito. Natigil ito sa tangkang pagpasok sa gate no'ng makita ako nito. Agad ako nitong sinalubong ng ngiti at yakap. Matagal-tagal na rin kasi kami nitong hindi nagkikita dahil naging busy ako sa mga learning session ko.

"Oh my gosh! Kumusta na, beks? Hindi kana tumatambay sa bahay a" wika pa nito na bahagyang lumayo mula sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan ako nito sa magkabila kong balikat at pinakatitigan ang kabuuan ko. "Pak na pak! Still beautiful, beks" Dagdag pa nito bago ako hinalik-halikan sa pisngi. Natawa naman ako dahil doon.

"What the hell are you doing, man?" Singit ng isang boses mula sa aking likuran.

Natigil naman sa ginagawa nito si Calex at bahagyang lumayo sa akin. Ngumiti pa ito na para bang kinikilig. Ako naman ay kinakabahan na nilingon si sir Tristan dahil tulad ng aking inaasahan ay nakakunot na naman ang noo nito. Binigyan ko ito ng isang alanganing ngiti.

"A-ah kasi sir-----"

"Stay away from my girl, man" seryoso ang boses na baling naman ni sir Tristan kay Calex.

"W-what? Y-your girl? Y-you mean girlfriend mo si beks?" Baling naman sa akin ni Calex na ngayon ay nakamulaga ang mga mata. Nagpalipat-lipat pa ang tingin nito sa amin ni sir Tristan.

Napansin ko naman na parang naguguluhan si sir sa nangyayari. Pinandilatan ako ng mata ni Calex. Ngumiti naman ako dito at nag-peace sign.

"Sinulot mo sa akin si Fapa Tristan, bakla ka?" Nakapamaywang na tanong pa sa akin ni Calex. Napakagat-labi pa ito na para bang gusto ako nitong tirisin ngayon.

"S-sorry, beks" Nakayuko at naka-peace sign na paumanhin ko naman dito.

"What's going on?" Seryoso naman na tanong ni sir Tristan. Napatingin ako dito. Ngayon ay nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Calex. Ngumiti ako dito ng malawak.

"M-may gusto siya sayo, sir" sagot ko dito na itinuro pa si Calex. Napakunot-noo na naman ito.

"What do you mean?"

"I'm sireyna!" Sagot naman ni Calex na nag-pose pa. Muntik pa tuloy akong matawa dahil doon. Narinig ko naman ang pag-asik ni sir Tristan.

Ngayon ay nandito kami ni Calex sa may sala. Hindi ko maiwasang mailang dahil kanina pa ako nito pinagmamasdan. Si sir Tristan naman ay tumuloy na sa kwarto nito matapos nitong malaman na bakla si Calex at hinayaan nalang kami na makapag-usap.

Isa pa sa iniisip ko ngayon ay ang tampuhan namin ni sir Tristan. Simula kasi kahapon noong dumating si Sebastian at tita Trini ay hindi pa rin ako nito masyadong pinapansin. Wala na dito ngayon si Sebastian dahil umalis na rin naman ito kahapon kasama ni tita Trini. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Magkaaway ba kayo ngayon ng jowa mo?" Tanong bigla ni Calex. Napatingin naman ako dito. Ngayon ay kinakain na nito ang inihanda kong cookies. 

"Hindi kana sa akin galit?" Nakangiti na tanong ko dito. Inirapan naman ako nito.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? E jowa mo na ang Fapa Tristan ko. I'm your bestfriend so gora! Support kita, beks" sagot nito na ikinatuwa ko. "P-pero kapag nagsawa kana sa kanya, share mo nalang sa akin" Dagdag pa nito bago uminom ng juice na tinimpla ko dito. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon