Chapter 07

17.9K 522 14
                                    

PAGKATAPOS namin kumain ng tanghalian ay nagsimula nang magpaalam sa amin si tita Trini. Nagulat pa ako no'ng yumakap ito sa akin at bumulong.

"I like you for my son, iha"

"Po?" Tanong ko pa kay tita pero nginitian lang ako nito at tinapik sa balikat.

"Alam mo iha, hindi bagay 'yang suot mo ngayon sayo" sabi ni tita kaya napatingin ako sa suot ko ngayong damit pangkatulong. Natawa naman ako ng mahina.

"Sa tingin ko nga po, tita" Sang-ayon ko naman. Natawa rin ng mahina si tita. Napatingin ito sa anak nitong si sir Tristan na ngayon ay nasa likuran ko.

"What?" May inis sa tinig na tanong naman ni sir sa mommy nito. Ang sama talaga ng ugali!

"Bakit hindi kayo mag-shopping, son? Bilhan mo siya ng mga damit na babagay sa kanya" suhestiyon ni tita kay sir Tristan. Nakaramdam naman ako ng tuwa sa sinabi nito. Gusto ko 'yun!

"What are you talking about, mom? She just our maid and I can't do that stuffs for her. Tsk!" Inis na sagot naman ni sir. Lihim akong napairap sa sinabi nito, alam ko naman na hindi ito pumapayag sa gusto ng mommy nito. Halata ko naman 'yun sa tono palang ng boses nito. Sungit!

"Don't degrade her son because of her status. I don't teach you that way." may disgusto sa boses na sabi ni tita Trini. Napakunot-noo ako. Ano bang pinag-uusapan ng mga ito? Napabuntong-hininga naman si sir Tristan.

"I'm sorry mom, but I'm too busy to do shopping" Malumanay na ang boses na sagot ni sir sa mommy nito.

"But that's my order, son. I have to go" sabi pa ni tita bago ito naglakad papunta sa kotse nito. Tinanaw nalang namin ni sir ang pag-alis ni tita. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni sir Tristan.

Nang mawala na sa paningin namin si tita ay bumaling naman ng tingin sa akin si sir Tristan. Napansin ko na masama ang tingin nito sa akin.

"B-bakit, sir? Mamimili na po ba tayo ng damit ko?" Nakangiting tanong ko pa dito. Napakunot-noo naman ito.

"Tsk!" Asik lang nito sa akin bago ako nito nilampasan para pumasok na sa loob ng bahay.

Sinundan ko naman ito ng masamang tingin. Inihaya ko pa ang kamay ko sa likod nito na para bang gusto itong suntukin. Gustong-gusto ko talaga itong suntukin dahil sa kasungitan nito.

Hindi ko inasahan na muli itong lilingon kaya naman nabigla ako no'ng bigla itong tumingin sa akin. Nagulat ako lalo na't nakahaya pa ang mga kamao ko sa likuran nito. Pilit akong ngumiti dito at ikinaway ang mga kamay.

"Gusto mo ba akong suntukin?" Seryosong tanong sa akin ni sir. Sunod-sunod naman ang ginawa kong pag-iling habang nakangiti.

"H-hindi sir ah, ang to-totoo n'yan g-gusto talaga kita yakapin, sir" wala sa sarili na sagot ko sa tanong ni sir.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon